Ang 10 Mga Delikadong Lapagan Na Airports Sa Buong Mundo



Tunay na malaking tulong ang mga eroplano upang makapunta tayo sa iba’t ibang lugar. Ito kasi ang pinaka mabilis na paraan upang makarating sa mga malalayong lugar. Sa mga unang sasakay ng eroplano, nakakaranas sila ng matinding kaba at nerbyos. Malamang ay natatakot sa pakiramdam na mararamdaman mo ang paglipad ng sinakyan sa mataas na himpapawid.

Pero bukod pa sa pakiramdam na ito, mayroon pang mas nakaka-kaba. Ito ay ang mga Lapagan na delikado. Ito ang ilan sa mga lapagan:



10. Lukla Airport sa Nepal

Ang airport na ito ang tanging lapagan kung nais mong pumunta ng Mt. Everest. Kaso ang nakakatakot dito ay napapag-gitnaan kasi ng dalawang bundok at maliit lang ang runway. Wala ring ilaw dahil kaunti lang ang kuryente sa lugar na ito. Kaya napaka hirap lumapag ang mga eroplano dito.



9. Courchevel International Airport sa France

Isang video ng paglanding sa Courchevel ang naging viral noong nakaraang taon. Ito ay dahil sa maikling runway na may sukat na 525 meters. Hindi lang iyon, mahirap din mag take off dahil sa downward gradient na 18.5%. Dahil sa mga kundisyon na ito, kung magkamali ang piloto ay maaaring bumagsak sa bangin ang eroplano sa take off.


8. Toncontin Airport,Tegucigalpa Honduras

Ang mga airport na malapit sa kabundukan ay talagang mapanganib lapagan. Isa pa sa mga airports na ito ay ang Toncontin Airport. Dahil sa kundisyon ng lugar ay kinakailangan pang ibaling ng 45 degrees ang eroplano at pagkatapos ay dapat ibilis ang tulin ng eroplano sa palapag. Tunay na kahanga-hanga ang mga pilotong nakaka-lapag ng maayos sa lugar na ito.

7. Princess Juliana International Airport Sa St. Maarten

Katulad ng ibang mga airports sa Careebeen Sea, isa ang Princess Juliana sa pinaka sikat na lapagan. Ginawa ang airport na ito para sa mga maliliit na eroplano. Dahil sa pagdami ng mga turistang pumupunta ay pati mga malalaking eroplano ay kinakaya na rin ng maikling runway na 2,179 meters.

6. Paro Airport sa Bhutan, Himalayan Mountains

Maaaring ito na siguro ang pinaka delikadong airport sa mundo. Tanging 8 na piloto lamang ang pwedeng lumapag sa airport na ito. Ang runway ay may napapalibutan ng 5,500 meters peaks. At ang runway ay may 1,981 meters na haba lamang.

5. Gibraltar International

Isa ito sa mga kakaibang airport sa South Europe dahil sa kakaibang istraktura at pagkakagawa ng runways. Mayroong intersection sa runways na kung saan ay nakakaraan ang sasakyan. Sinasara ang daanan ng sasakyan kapag may lalapag na eroplano.

4. Mcmurdo Air Station, Antartica

Hindi madalas puntahan ang lugar na ito. Ibig sabihin ang infrastructure ng lugar ay kinukulang na. Kahit na ang runway ay mahaba ang nagiging problema sa runway ay ang pagkadulas nito dahil sa yelo. Dahil sa walang ilaw na ang airport, sinasanay ang mga piloto na lumapag ng naka night vision googles.

3. Madeira Airport Portugal


Isa ang airport na ito sa mga kakaiba sa mundo. Upang magkaroon ng runway gumawa sila ng artipisyal na isla upang tayuan ng mga columns ng runway. Dahil nasa pagitan ito ng bangin at seashore. Ang pagiging makitid nito ang magiging pahirap sa mga piloto.

2. MCA Futenma, Okinawa

Ang airport na ito nakapwesto sa isang US Marine Corps Air Station sa Okinawa Japan. Dahil dahil mga eroplanong pandigma ang mga lumalapag dito marahil ito ang nagpadelikado sa lugar. Dahil napapalibutan ito ng maraming bahay na kailangan lumikas kung mayroong panganib na magaganap.

1. Narsarsuaq Airport, Greenland


Isa ito sa mga pinaka delikadong airport sa mundo. Katulad ng airport sa Antartika. Malamig at nagyeyelo din ang lugar. Dahil sa maikling runway na 1,800 at nagyeyelong daan, ito ang nagiging pahirap sa mga pilotong lumalapag. Dagdagan pa ng panahon na nagbibigay ng turbulence sa paglapag. Mayroon ding aktibong bulkan kung saan ang ashes ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga makina ng eroplano.

Source:InterestingEngineering




error: Content is protected !!