Isang pari ang pinagkaguluhan ng mga netizens sa social media dahil sa kakaibang itsura nito



Hindi ganoon kadali maging isang pari. Lingid sa kaalaman ng nakararami na bago ka makapagpari ay kinakailangang nakatapos ka ng apat na taong kurso sa kolehiyo. Dahil ito ang pangunahing pangangailangan upang makapasok ng “major seminary”.



Kung sakali naman na tadhana mo talaga at pangarap mo talaga na maging isang pari, huwag kang mag-alala dahil hindi ka man nakatapos ng kolehiyo maaari ka pa rin namang magtapos ng apat na taong “minor seminary”. At matapos nito ay magtapos ng apat na taon sa “major seminary”.


Naging usap-usapan kamakailan lamang ang isang pari sa social media dahil sa angking kagwapuhan nito. Kung karamihan sa atin ay nasanay kila father na medyo may edad na o ang iba ay wala na ring buhok, si Reverend Jay-R ay talaga namang pinagkaguluhan lalo na ng maraming kababaihan.


Ayon pa sa ibang mga kababaihan, napakagwapo niya para maging isang pari. Si Rev. Jay-R ay nakapagtapos noong 2017 sa St. Francis Xavier Regional Major Seminary sa ilalim ng Theological formation.



Siya ay naging isang altar server noon sa Holy Family OCD Novitiate House, Tugbok, Davao City at siya kasalukuyang pari sa Penaplata, Samal Island. Hindi lamang dahil sa hitsura hinangaan si Efren Antiga Gubac Jr. o mas kilala bilang Jay-R ng maraming mga netizens na nakakita ng kanyang viral na larawan kundi dahil na rin sa kanyang pangako at responsibilidad na kaakibat ng kanyang pagiging pari at alagad nang Diyos.

Nakakatuwang malaman na marami pa rin sa panahon ngayon ang nagnanais na maging isang lingkod ng Diyos. Mga taong hindi alintana ang bigat ng responsibilidad at hamon na kanilang posibleng kaharapin sa pagtupad nila sa kanilang mga pangarap.



Ito ay tunay na inspirasyon sa nakararami. Lalo na sa maraming mga kabataan na nagnanais maging pari o maging tagapamahagi ng mabuting balita ng Diyos, walang anumang bagay ang maaaring makahadlang sa pusong nagnanais na mapaglingkuran ang Panginoon.