Sinong magsasabing hadlang ang edad at kahirapan sa pag-abot sa iyong mga pangarap?



Mahirap ang buhay ngayon, totoo nga naman. Base na rin sa karanasan na dinadanas na bawat Pilipino. Kahit anong higpit ng sinturon, kahit anong tipid pa ang gawin ay tila hindi magtagpo tagpo ang mga gastusin at pangangailangan. Tunay ngang nasa Diyos ang Awa at nasa tao ang gawa. Tulad na lang ng buhay ng isang security guard ng Bohol na si Erwin Macua.



Sa edad na 40 anyos ay hindi naging hadlang sa isang ama na katulad niya ang pagsabay sabayin ang pagiging guwardiya, ama, at ang pagiging estudyante niya. Siya ay nakilala ng marami sa sikat na patalastas ng isang uri ng kape sa telebisyon. Sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na kanyang kinakaharap ay napagtagumpayan pa rin niyang makapagtapos at maging Cum Laude sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education noong nakaraang taon.


Kahanga-hangang maituturing ang isang tulad nya na naging isang huwarang ama sa kanyang tatlong mga anak. Pinagsabay rin naman niya ang pagrereview para sa kanyang Licensure exam noong 2017 at ang kanyang pagiging security guard.


Isang aral ang matutunan sa kanyang buhay na kung saan hindi naging hadlang ang anumang edad at kahirapan o pagsubok sa buhay para makamit ang pangarap na iyong minimithi.



Kung kaya naman sa mga mag-aaral at kabataang Pilipino na hinahamon ng mga pagsubok sa buhay, patuloy lang tayong manalig sa Panginoon, magsumikap sa buhay, at huwag sumuko dahil sa huli ay magkakaroon rin ng magandang kahihinatnan ang lahat ng inyong pinagpapagalan.

Ito ay tunay na pagpapatotoong nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa. Matuto lamang tayong humingi at humiling sa Kanya, hinding-hindi niya tayo bibiguin, hinding-hindi niya tayo iiwan o pababayaan man.






error: Content is protected !!