Mga Pinay celebrities na may mga mayayamang mister



Karamihan sa atin ay masusugid na taga-hanga ng mga sikat na aktres at aktor ng ating henerasyon ngayon. Kadalasan nating sinusubaybayan ang kanilang karera, personalidad, mga hilig, at maging ang kanilang mga buhay pag-ibig. Magugulat kayong malaman na ilan sa mga paborito nating artista ay may mga mayayamang asawa. Kilalanin sila!

1. Niña Jose




Si Niña Jose, 28 taong gulang ay dating housemate ng PBB sa Kapamilya network kasabay si Chinita Princess Kim Chiu. Siya ay kinasal sa Mayor ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao, ang may-ari at CEO ng Stradcom Corporation.

2. Zsazsa Padilla



Si Zsazsa Padilla ay sikat na mang-aawit at aktres. Siya rin ang kilalang partner ng “Hari ng Komedya” na si Dolphy. Hindi man sila nagkaroon ng pagkakataong maikasal dahil sa hinihintay na annulment ni Zsazsa Padilla sa dati niyang asawa na si Modesto Tatlonghari. Taong 1989 pa lamang ay nagsasama na ang dalawa.


3. Gretchen Baretto


Si Gretchen Baretto ay 48 taong gulang. Pinasok niya ang show business noong 14 na taong gulang pa lamang siya. Long time partner niya si Tony Boy Cojuanco sa lumipas na 24 taon. Mula sa mayamang angkan ng mga Cojuanco si Tony Boy.



4. Kaye Abad


Kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, 36 taong gulang, sikat na aktres sa telebisyon at asawa ni Paul Jake Castillo. Taong 2016 ng sila ay ikasal at nabiyayaan sila ng isang anak na si Pio Joaquin. Ang pamilya ni Paul Jake ang nasa likod ng Efficascent oil, Bioderm, Casino alc0h0l at sa kanila din ang International Pharmaceutical Inc.

5. Pauleen Luna




Si Poleng o Pauleen Marie Javier, 30 taong gulang ang misis ni Bossing Vic Sotto. Sila ay biniyayaaan ng malusog na baby girl na pinangalanan nilang Talitha Maria. Si Bossing Vic Sotto ay may halagang 10 milyong dolyar na net worth. Isa rin siyang sikat na aktor at komedyante. Isa rin siyang mahusay at pinipilihan na endorser.

6. Marian Rivera


Si Marian Gracia Rivera o mas kilala natin bilang Primetime Queen Marian Rivera Dantes. Siya ay 34 taong gulang na at biniyaan sila ni Primetime King Dingdong Dantes ng isang magandang supling na si Maria Letizia Dantes at inaasahan ang pangalawa nilang anak. Mula sa prominenteng angkan si Dingdong Dantes at mula pagkabata ay isa na siyang kilalang artista. Isa rin siyang producer, direktor, at mananayaw.

Tunay ngang nakakakilig at nakakainggit ang love stories ng mga sikat na personalidad na ito.




error: Content is protected !!