Mga sikat na aktor na naging waiter sa restaurant at fast food crew bago mag-artista, kilalanin sila!



Marami sa mga artistang iniidolo natin sa ngayon ay naging mga empleyado din muna sa mga restaurant o fast food chains. Lingid sa ating mga kaalaman na dito sila nadiskubre at ito ang naging simula nila bago pa man nila tahakin ang mundo ng show business. Kilalanin sila!

1. COCO MARTIN




Kilala bilang matapang at huwarang pulis sa programa niyang “FPJ’s Ang Probinsiyano”. Sinong mag-aakalang ang “Prince of Philippine Independent Films” ay waiter sa Max’s Restaurant at nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management. Naging janitor din siya sa Canada noon matapos ang kolehiyo.


2. JERICHO ROSALES



Siya ay naging waiter din sa pinagtatrabahuhang restaurant ng kanyang ina. Ngunit bago ito ay naging tindero muna siya ng isda sa palengke katuwang ng kanyang ina na tindera din ng isda noon. Dalawampung taon ang lumipas sumali siya sa “Mr. Pogi” ng Eat Bulaga na naging simula upang matulungan niya ng husto ang kanyang pamilya. Sa ngayon ay usap-usapan gabi gabi ang programang pinagbibidahan niya kasama sina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos.

3. MARVIN AGUSTIN




Siya ay naging waiter din noon sa Alabang Branch ng Tia Maria bago naging pinakabatang miyembro ng marketing staff sa isang Mexican restaurant. Siya ay naging tindero, driver, mascot at isang clerk sa video store.
Sa ngayon ay isa na siyang sikat na celebrity restaurateur at may-ari ng entrepreneur school. Siya ay aktibo pa rin sa industriya.

4. PIOLO PASCUAL


Sinong mag-aakala na naging security guard dati ang sikat na Kapamilya hunk actor? Ito ang naging trabaho niya bago siya maging isang waiter noong highschool siya.
Nagkaroon siya ng break sa Esperanza ng maging katambal niya si Judy Ann Santos. Ngayon ay isa na siyang matagumpay na aktor, prodyuser, recording artist, at endorser.

5. DIETHER OCAMPO




Nag-aral ng kursong Physical Therapy si Diether Ocampo sa De La Salle University-Dasmarinas ngunit dahil hindi niya ito talaga gusto ay tumigil siya sa pag-aaral at nagtrabaho bilang service crew sa Pizza Hut. 1996 ng madiskubre siya sa Star Magic Circle batch 2 at naging isa sa mga kilalang aktor sa ABS-CBN. Siya ay naging mananayaw din dati.

6. RICHARD GOMEZ


Ang kilalang Adonis of Philippine Movies ay naging fast crew muna siya sa McDonalds. Nadiskubre siya ng dati niyang namayapang manager na si Douglas Quijano. Siya ay kasalukuyang Alkalde ng Ormoc City, Leyte at masayang kapiling ang kanyang maybahay na si Lucy Torres-Gomez at an ang unica hija nilang si Juliana.