13 taong gulang na estudyante, nahulog ang loob sa kanyang guro, nagkaibigan noong 2011 at ikinasal matapos ang pitong taon



Tunay na pag-ibig, isang malalim ngunit makabuluhang salita. Marami sa atin ay natagpuan na ang kanilang tunay na pag-ibig habang ang iba naman ay patuloy pa ring naghihintay at nangangarap na matagpuan ang kanilang tunay na pag-ibig.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kuwento ng isang 13 taong gulang na dalagang nahulog at napamahal sa kanyang guro na si Erwin Pangaila na noon ay 27 taong gulang na. Si Vinda Virginia na noon ay 13 anyos pa lamang ay namangha sa tindig at tikas ng kanyang guro.



Una silang nagkita sa SMP Negeri 2 Tenga in Jakarta, Indonesia. Dahil sa kasipagan at dedikasyon ng guro labis na napahanga nito ang dalaga bukod pa sa matipuno at gwapo nitong hitsura.

Kilala at sikat sa buong paaralan nila si Erwin kung kaya naman naging napakalaking kompetisyon nito para kay Vinda. Ngunit patuloy na ginawang inspirasyon ng dalaga ang kanyang pagtingin sa guro sa kanyang pag-aaral. Para lamang pansinin siya ng kanyang guro ay parati siyang nagpapaiwan sa kanilang silid-aralan matapos ang kanilang klase upang magkaroon ng karagdagang pag-aaral kasama ang guro.

Hindi naman nagtagal at nagkaroon na rin ng pagtatangi at pagtingin ang guro sa kanyang estudyante. Taong 2011 nang sila ay lumabas at magkakilanlan pa nang mabuti. Hindi naging madali ang kanilang relasyon sa dami ng mga panghuhusga at negatibong komento na kanilang natatanggap. Makalipas ang pitong taon ay napagdesisyunan din nilang lumagay sa tahimik at magpakasal. Kitang kita ang saya sa kanilang mga mata, ayon pa sa post ni Vinda sa kanyang social media account, “Erwin is my prince, my first love, and also my last one.”




error: Content is protected !!