20 dolyar o nasa isang libong piso kada piraso na halaga ng mansanas tinatanggihan nang itanim ng mga magsasaka, bakit kaya?



“An apple a day keeps the doctor away!”, yan ang lagi sa ating paalala ng mga mahal natin sa buhay upang lagi nating maalala na pahalagan ang ating sariling kalusugan. Tiyak na pamilyar ka sa mansanas na pula na nagtataglay ng “anthocyanins” na dahilan ng kulay nito. Ang “anthocyanins” ay natural na kulay na nalilinang pa sa paglaki ng mansanas.

Sa Pilipinas tila pula at berdeng mansanas lamang ang kilala ng nakararami sa atin, ngunit maniniwala ba kayong mayroong mansanas na kulay itim na binebenta sa merkado ng 20 dolyar? O katumbas ng isang libong piso bawat piraso?

Naging popular sa nakararami ang itim na mansanas na ito na puno rin ng microorganisms at mineral kung kaya naman makakatiyak kang mas malutong at malasa ito. Ang mansanas na ito ay breed ng “Hua Niu apples”.



Nagmula ito sa New Zealand at kalaunang ipinakilala sa Tsina. Itinanim ito sa Nyingchi, Tibet at mas lalo pang napagyabong at napagunlad ang paraan ng pagpaparami at pagpapalaki nito. Sa katunayan, ang kulay nito ay hindi talaga itim kundi lila o “purple”, ito ay tila kumikinang rin sa dilim at may mainam na tekstura.

Ang mga ganitong uri ng bihirang mansanas ay hindi agad nasisira o naapektuhan ng sobrang lamig. Mayroon din itong kakayanan na makaiwas sa mga insekto at linta. Itinuturing din itong bihira dahil sa itinatanim ang mga ito sa matatas na lugar na may 3,500 meters above sea level at kinakailangan din na ng mga ito ang sobrang liwanag ng araw at ultraviolet rays.

Sinasabing ang limitadong produksyon ng mga ito at napakataas na distribution cost at kasabay pa ng mataas na presyo mas gugustuhin pa raw ng nakararaming mga magsasaka na magtanim ng mga mansanas na mas kilala, mas “in demand”, at mas madaling itanim kaysa sa bihirang itim na mansanas na ito.




error: Content is protected !!