Isang Filipino Engineer Ang Nanalo Gamit Ang Kawayan, Tinawag Niya Itong “CUBO”



Likas sa pagiging Pilipino ang pagiging maabilidad at malikhain. Marami na ring mga naging imbensyon ang mga pinoy at minsan ay nakikilala ito. Ang katotohanan lamang ay minsan hindi nakikita ng ating pamahalaan at bagkus ay nakukuha ng mga dayuhan. Gayon pa man, hindi tayo tumitigil sa pag gawa dahil nakahiligan na ito ng ilan.



Isang nagtapos sa Ateneo De Manila ang nakakatuwang nanalo sa RICS Citites for our Future. Siya ay si Earl Patrick Forlales na nag disenyo ng bahay na ang ginamit ay kawayan. Tinawag niya itong CUBO na kung saan ito ay matipid at makalikasan na klaseng bahay. Sa edad na 23 ay naisip na ni Earl na makatulong sa bansa sa kanyang disenyong CUBO. Maaaring ito na ang magiging solusyon sa mga wala nating bahay na kababayan at masolusyonan ang mga iskwater areas sa Maynila.


Ang CUBO ay nagawa dahil sa mga Lolo at Lola ni Earl na ang bahay ay yari sa kawayan. Mayroon pa rin namang mga bahay na gawa sa ganitong kagamitan at matatagpuan ito sa mga probinsya Ang nakakatuwa sa bahay na ito ay pwede mong magawa sa loob ng 4 na oras lamang. Ito rin ay eco-friendly na may mga recycled na ginawang biochar. Ang mga materyales ay treated at laminated kaya naman 10 beses na mas matibay ito sa ordinaryong kawayan.


Hindi naging madali para kay Earl na manalo dahil iba’t ibang bansa ang naglaban-laban. Mayroong 12 na entries at si Earl ang South East Asia Regional Winner. Ang mga finalist, na kasama si Earl, ay binigyan ng mga Mentors upang pagandahin pa ang nagawa. At lahat ng entries ay hinusgahan ng 6 na nangungunang eksperto sa mundo. At si Earl ang pinarangalang panalo noonh Nobyembre 22.



Sabi ni Earl:
“CUBO started as nothing more than an idea, conceived while spending time at my grandparent’s house – it is incredible to think that it now will become a reality. I would like to thank RICS for the opportunity to develop the idea and look forward to working with them to put this money to good use in Manila, and then hopefully elsewhere around the world.”

Si Earl ay tatanggap ng premyo na 3.3 Million Pesos at magtatrabaho sa proyekto ng RICS experts at sa industry professionals sa susunod na taon. Panigurado, ang gawa ni Earl ay makakatulong sa ating bansa.






error: Content is protected !!