Mga katutubong tribo sa Pinas gumagawa at nag-uukit ng kanilang mga bisekleta!



Tunay ngang iba na ang narating ng teknolohiya natin ngayon. Ang dating simpleng pamumuhay ng bawat isa ay nadagdagan ng mas maraming pagbabago lalo na sa mga pang-araw-araw nating gawain. Magmula sa pagdilat ng ating mga mata at pagpikit ng mga ito tiyak na hindi tayo makakatiis na hindi humawak ng gadget, o tingnan ang ating mga social media account. Maging sa paraan ng transportasyon ay malaki na rin ang ikinaunlad dahil mayroon na rin ngayong iba’t-ibang uri ng mga sasakyan.



Ngunit sa kabila ng modernisasyon at maunlad na teknolohiya ng ating panahon ngayon, tiyak na magugulat kang malaman na may isang grupo ng mga katutubo dito sa Pilipinas na gumagawa at nag-uukit mismo ng kanilang mga sasakyan.

Ang tribong Igolot-Garonne ay mga katutubong kilala sa pag-ukit at paggawa ng mga makabago nilang bisekleta. Ang mga bisekletang ito ay masusing inuukit at ginagawa ng mga tribong ito at kadalasang mayroong ulo ng hayop sa harapan nito, halimbawa ay ulo ng leon, dragon, kabayo at marami pang iba.

Nakuhanan ng larawan ni Richard Haw ang grupo ng mga kalalakihang ito na nagkakarera sa isang bayan ng Batad. Ayon pa kay ginoong Haw:

“I was walking to my truck in the town when we were treated to the spectacle and it just so happens that I had my camera on hand and snapped the cowboy inspired scooter zooming downhill. Owning a motorcycle is considered a status symbol for people of a humble background. Since most of them do not really earn enough to afford the real thing they would just make imitations of scooters by whatever means they have.”

Naihihinto ng marahan ang bisekletang ito sa pamamagitan pagtapak sa kahoy na pedal at paa ng nakasakay. Ito ay isa ring tanda ng galing at husay ng isang katutubong etniko na Igorot-Garonne. Tunay ngang magkaroon man ng modernong teknolohiya sa ating bayan ang galing at husay ng Pinoy ay hindi mapapantayan! Iba talaga ang Pinoy!





error: Content is protected !!