“Sapatos Festival” ng Marikina Mabisang Hanapan Ng Pang-regalo sa nalalapit na Pasko



Ang Sapatos Festival ng Marikina ay ang tatlong buwan na mahabang kapistahan na karaniwang nagsisimula ng Setyembre. Ipinamamalas dito ang kagalingan sa paglikha ng Pilipino sa larangan ng iba’t ibang produkto. At siyempre hindi mawawala ang sikat na sikat na produkto ng Marikina ang Sapatos. Ang kapistahan na ito ay mayroong mga parada, mga pagtatanghal, at mayroon ding mga shoe museum at iba pang mga nakaka-giliw na magagawa.



Isa pang inaabangan sa kapistahang ito ay ang Tour de Takong na kung saan ay magsusuot ang mga kalahok ng stilettos na hindi bababa sa sukat na 3 inches. Ito ay isang karera na nagumpisa pa noong 2011 na dinadayo na rin ng iba upang makilahok. Bukod pa sa mga kaganapang ito, isa pa sa pinagmamalaki ng Sapatos Festival ay ang mga produktong matibay at gawang pinoy. Maraming mapapag-pilian dito hindi lamang sapatos na swak na swak na pang-regalo ngayong pasko.


Isang Netizen ang nagpost ng kanyang paanyaya sa Sapatos Festival. Siya ay si Kata Okada na nag post noong Nobyembre 14, 2018 na nanghihikayat na tangkilikin ang gawang Pinoy. Pabirong sinabi pa ni Kata na makakabili ka ng boots na mala-Doc Martens sa murang halaga lamang. Ang mga sapatos na mabibili ay nagkakahalaga ng 500Php-1,200Php. Bukod pa sa sapatos ay mayroon ding mga bags na gawang Pinoy din. Sa kanyang mga litrato, sinabi niyang pinili lang talaga niya ang mga gusto niyang kuhanan.

Ayon pa kay Kata:
“Goods ito pang-early Christmas Gift kasi malaking tipid.” Ang Sapatos Festival ngayon ay sinimulan noong Nobyembre 12, 2018 at matatapos ng Enero 6, 2019 kaya naman sa mga wala pang naiisip na regalo pang pasko, baka makita mo dito ang hinahanap mo. Hindi mo na kailangan bumili ng mga sikat at mahal na mga gamit.


Kung tibay lang ang paguusapan, subok na subok na ang mga produktong ito. Katulad ni Kata na isang praktikal na tao, ito ay isang paanyaya na hindi mo na kailangangang bumili ng mahal o branded para masabing matibay, baka magulat ka na lang na mas matibay pa ang mga produktong Marikina.

Source:VirtualPinoy