Mga Artistang Sa Edad Na 40 ay walang Kupas Pa Rin ka-gwapuhan nila!



Ang mabilang sa mga sikat na artista ay hindi biro. Kailangan ay mapanatili ang itsura para tangkilikin pa rin ng manunuod. Upang mapanatili ang itsura, kinakailangang ingatan at gastusan ang pagpapa-ganda o pagpapa-gwapo. Kadalasan ay pinupuntahan talaga ang mga kilalang espesyalista para sila ang mag-alaga ng kanilang itsura at postura.

Kadalasan ang napapag-usapan ay mga babaeng celebrities. Pero ngayon ating kilalanin ang mga sikat na artistang lalaki na hindi mo aakalaing nasa 40 mahigit na pala. Sila iyong tipong titilian pa ng mga babaeng makaka-kita.



10. Zoren Legaspi


Si Zoren Legaspi ang asawa ni Carmina Villaruel. Siya ay pinanganak sa Maynila noong January 30, 1972. Sa taglay niyang kagwapuhan hindi naglalayong mabighani ang mga kababaihan sa kanya.


9. Gardo Versoza


Si Mennen Torres Polintan na mas kilala natin sa Gardo Versoza ay pinanganak noong November 8, 1969. Mas naging matunog ang kanyang pangalan noong gumanap siyang Machete. Hindi ka makaka paniwala na 49 na taong gulang na si Gardo.


8. Jomari Yllana


Si Jose Maria Garchitorena Yllana na mas kilala natin sa pangalang Jomari Yllana ay pinanganak sa Maynila noong August 16, 1976. Nakilala natin siya sa teen group dati na ang pangalan ay “Gwapings”.



7. Robin Padilla


Tinaguriang Bad boy ng Philippine Cinema si Robin Padilla dahil sa taglay na husay niya sa mga aksyong pelikula. Si Robin Padilla ay ipinanganak noong November 23, 1969. Dahil sa galing niya sa aksyon ay tinagurian din siyang Prince of Philippine Action Movie.

6.Derek Ramsay


Si Derek Ramsay ay isang Filipino-British na modelo, aktor, host, VJ sa Pilipinas. Siya ay pinaganak sa Enfield England noong December 7, 1976. Pero noong pitong taong gulang na siya ay lumaki na siya sa Cainta Rizal.



5. Aga Mulach


Si Ariel Aquino Mulach na mas kilala sa pangalang Aga Mulach ay pinanganak noong August 12,1969. Ang kanyang mga dimples ang nagpapa-kilig sa mga kababaihan. Ang beteranong aktor na ito ay isang multi-awarded. Marami na rin ang nagawang mga pelikula at komersyal si Aga Mulach.

4. Antonio Aquitania


Si Antonio Aquitania ay pinanganak noong January 16, 1977. Hindi mo aakalaing 41 na taong gulang na ang isa sa mga orihinal na cast ng Bubble gang na kasama si Michael V.

3. Diether Ocampo


Si Diether Ocampo ay pinanganak noong July 19, 1973. Noong 90’s ay talaga namang pinagkaka-guluhan ang sikat na aktor na ito dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Ngayong 46 na taong gulang na siya, siguradong magugustuhan pa rin siya ng mga kababaihan dahil sa di tumatandang itsura niya.

2. Piolo Pascual


Si Piolo Pascual ay pinanganak sa Maynila noong January 12, 1977. Maraming kababaihan ang nangarao kay Piolo, dahil sa sobrang kagwapuhan. “Dream guy” nga kumbaga. May titulo din siyang hawak na isa sa mga pinaka-gwapong mukha sa showbiz.

1. Ian Veneracion


Si Stephen Ian Lopez Veneracion na mas kilala natin sa pangalan na Ian Veneracion ay pinanganak noong February 7, 1975. Sino ba ang di magkakagusto sa hindi tumatandang itsura ng lalaking ito. Tinagurian siyang most handsome and most in-demand leading man sa bansa. Si Ian Veneracion ang nangunguna sa listahang ito.




error: Content is protected !!