Mga batang artista noon, magaganda at nakakabighani nang mga dalaga ngayon!



Pagbabago ang isa sa pinaka-pinangangambahan ng marami sa ngayon. Maaaring hindi pa tayo sanay sa mga pagbabagong ito ngunit kadalasan naman ito ay para sa ikagaganda at ikasasaayos ng mga bagay bagay sa ating paligid at maging ng ating mga sarili mismo.

Maging ang ating mga paboritong artista ay sumailalim din sa mga pagbabagong ito. Mula sa mga cute na chikiting noon, kaakit-akit at nakabibighaning dalaga na sila ngayon. Kilalanin sila:



1. MAJA SALVADOR


Napukaw niya ang atensyon ni Charo Santos-Concio dahil sa natural na karisma niya nang siya ay nagkaroon ng panayam sa “The Buzz” taong 2003. Nabigyan din siya kaagad ng break ng taon na iyon ng mapabilang siya sa “It Might Be You” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Lumipas ang maraming taon at mas nahubog pa ang dalaga sa kanyang pag-arte, pagsayaw, at pagkanta. Lubos rin na hinangaan ang kanyanh mahusay na pagganap sa “Wildflower”.


2. ARCI MUÑOZ




Sumikat ang 29-anyos na aktres nang siya ay maging parte ng isang “reality competition” noong 2005.
Matapos niyang lumipat sa ABS-CBN ay nabigyan siya ng pagkakataong maging parte ng mga programa tulad ng Magpahanggang Wakas” (2016), “Ikaw Lang Ang Iibigin” (2017), “Since I Found You” (2018) at maging katambal ng ilan sa mga kilalang aktor tulad nina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

3. KIM CHIU



Siya ang tinanghal na Big Winner on “Pinoy Big Brother” noong 2006. Matapos nito ay di na mabilang ang kanyang mga programa sa telebisyon at pelikula. Mas nakilala rin ang Chinita Princess sa tambalan nila ni Gerald Anderson. Siya ay kasalukuyang mapapanuod sa “ASAP NATIN TO” tuwing Linggo.



4. KATHRYN BERNARDO


Sino ang makakalimot sa ginampanan niyang karakter sa “Super Inggo”? Nakilala siya bilang si Maya na katambal ng karakter na si “Super Inggo”. Ngunit mas nakilala siya at nadiskubre sa kanyang pagganap sa “Dekada ’70”. Kilala rin siya bilang Teen Queen na katambal ni Daniel Padilla sa mga di na mabilang na programa sa telebisyon at pelikula.

5. JANE OINEZA


Lingid sa kaalaman ng nakararami na siya ay nagsimulan umarte sa edad na 4 at naging parte ng “Sa Dulo ng Walang Hanggan”. Kilala rin siya noon bilang batang bersyon ng mga bida sa iba’t-ibang programa sa telebisyon. Isa rin siya sa mga bibong bata noon sa Goin’ Bulilit. At ilan sa mga programang kinabilangan niya ay “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” at “Araw Gabi”.






error: Content is protected !!