Categories: Health

Mga benepisyong dulot ng saging na Saba sa ating katawan.

“Cardava banana” o saba ay ilan lamang sa mga saging na itinatanim, inaani, at kilalang kilala dito sa Pinas na sa ngayon ay nakikilala na rin sa ibang bahagi ng mundo. Marami sa atin ang mahilig sa prutas na ito hindi lamang sa matamis na lasa nito ngunit pati na rin sa maraming sustansyang maidudulot nito sa atin.

Ayon sa Doctors of Ministry in Alternative Medicines (DMAM), marami itong bitamina at mineral tulad na lamang ng B vitamins, dietary fiber, vitamin C, vitamin A, at iron. Kumpara sa iba pang uri ng saging na matatagpuan sa Pilipinas, Saba ang may pinakamaraming nutrisyon na tiyak na kailangan ng ating katawan. Bagamat karamihan sa atin ay nakagawian nang kainin ito ng luto, sinasabing mas mainam itong kainin ng hilaw upang mas makuha ang sustansya nito. Ito ang ilan sa mga benepisyong makukuha sa pagkain ng Saba:

1. Malaki ang naitutulong ito sa Circulatory System ng isang tao

Sagana ito sa “potassium” na makatutulong rin sa pagiging malusog ng ating puso at pagbabalanse ng tubig sa ating katawan. Mainam din ito sa pagpapanatili ng tamang presyon ng dugo at makaiiwas sa stroke.

2. Sagana ito sa mga mineral at bitamina

Ang pagkain ng dalawang piraso nito ay tiyak na babalik na ang iyong lakas. Dahil sa taglay nitong mga bitamina at mineral agad nitong napapalitan ang mga nawalang enerhiya sa ating katawan. Wala itong taglay na caffeine at tanging natural na enerhiya lamang ang naidudulot nito sa ating katawan.

3. Nakakatulong ito sa constipation

Malaking tulong din ito sa taong constipated. Ang pagkain ng saging ay nakagagamot ng constipation nang hindi nagdudulot ng diarrhea.

4. Nakakatulong rin sa pagpapalusog ng mga mata

Sagana ito sa bitamina A na nakatutulong sa kalusugan ng ating mga mata

5. Makatutulong ito sa pag-iwas sa paninigarilyo

Mayroon din itong bitamina B at iba pang mineral na makapagbabawas ng negatibong epekto ng nicotine sa katawan. Ang taglay naman nitong bitamina B6 ay nagpapanatili ng temperatura ng mga buntis at nakatutulong rin sa mentrual.

6. Nakatutulong na magamot ang ulcer

Nag-iiwan din ito ng “protective coating” sa inner wall kung kaya mas mapoprotektahan sa acidity ang tiyan. Isa rin itonf natural antacid na nakatutulong sa pamamaga ng sikmura.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago