Silipin ang magandang bahay ni Jennelyn Mercado sa Quezon, City



Nakilala si Jennelyn Mercado nang siya ay tinanghal na kampeon sa Starstruck noong 2003. Ito ay isang reality based talent show na programa ng GMA network. Isa rin siyang mang-aawit at manunulat ng kanta.



Isa rin siya sa pinakamatagumpay na aktres ng kanyang henerasyon sa industriya ng show business. Siya ay isa rin sa kauna-unahang Pilipina na naging “ambassador” ng isa sa pinakasikat na cosmetic brand company na Max Factor.

Nagsimula ang aktres na maghanap ng bahay taong 2014 sa tulong na rin ng kanyang manager na si Becky Aguila. Sa kabutihang palad ay nakahanap din sila agad ng bahay at lupa sa Quezon, City. Ayon din sa aktres basta maluwag at magiging malaki ang espasyo ng kanyang kwarto ay okey na sa kanya dahil sa marami siyang gamit.

“Sabi ko, okey, perfect siya. Kasi gusto ko lang naman ng medyo malaki. ‘Tapos, ‘yong kuwarto, importante sa akin ‘yong kuwarto na malaki, kasi marami akong gamit. Ayun, no’ng nakita ko ‘yong master bedroom, okay na ako dito.”

Maaliwalas ang lugar na ito kung saan humingi rin ng tulong ang aktres sa mga contractor at interior designer upang maging modernong tahanan ang kanyang bahay.
Ayon din sa aktres tila naging maswerte para sa kanya at sa kanyang pamilya ang bago nilang tahanan.

Simula no’ng lumipat ako dito, parang nararamdaman ko ang swerte.” “Hindi ako nawawalan ng trabaho. Ikaw kasi ‘yong ando’n, e. Parang ‘yon yo’ng character mo, di ba? Yan ang gusto mong ipakita pag may bisita ka.”

Ang 500 metro kwadradong tahanan ng aktres ay mayroong apat na silid tulugan, dalawang dining area, 2 kusina, isang guest room, 8 palikuran, isang maliit na hardin at family den.


Halina’t silipin ang magandang bahay ng Kapuso actress na si Jennelyn Mercado na talaga namang magiging inspirasyon mo rin para sa iyong pinapangarap na tahanan.




error: Content is protected !!