Silipin ang modern contemporary house nina Ogie at Regine Velasquez-Alcasid



Ang tahanan ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid ay matatagpuan sa isang burol sa isang eksklusibong sabdibisyon sa Quezon, City. Pagmamay-ari ng showbiz couple na ito ang tatlong palapag na tahanan nila na may overlooking view ng siyudad na kanilang tinitirhan.

Kaagapay ng mag-asawa ang arkitektong si Anthony Nazareno at interior designers na sina Ivy at Cynthia Almario sa pagbuo ng kanilang dream house. Marami din namang mga magaganda at magagarang kagamitan sa kanilang tahanan mula sa mga sikat at talentadong Pinoy sa kani-kanilang larangan tulad na lamang nina Kenneth Cobonpue at Ann Pamintuan.



LIVING ROOM

Ang “living room” ng kanilang tahanan ay dinisenyo nina Ivy at Cynthia Almario na siya ring responsable sa paggawa ng dalawang condo units ni Kris Aquino sa One Roxas Triangle. Nasa ikalawang palapag ang kanilang living room.

KITCHEN

Pinili ni Regine ang “open-space layout” ng kanilang kusina. Maliwanag at maaliwalas din ito para sa mga informal social gatherings ng mag-asawa.

DINING AREA

Ang eight-seater square glass top dining table nila ay mula sa Furnitalia. Mayroon din silang flat screen TV dito at PlayStation 3 video-game console ni Ogie na nilalabas kapag mayroon siyang mga bisita.



SWIMMING POOL

Isa rin ito sa paboritong lugar ni Regine sa kanilang tahanan. Ayon din sa a
“No’ng una nga kaming lumipat dito, para kaming nagsa-spa. Magswi-swim kami ng gabi. Para kaming nasa ibang bansa, e!”


MUSIC ROOM

Ito naman ang paborito ni Ogie Alcasid kung saan makikita ang mga albums at pagkilala sa kanya bilang isang Songwriter at mang-aawit.

NATE’S BEDROOM

Ang kwarto naman ng kanilang anak na si Nate ay dating recording studio at music room ni Ogie Alcasid.
Mayroon itong dalawang queen mattresses at toddler bed.




error: Content is protected !!