Ang Magandang 7th Birthday Celebration Ni Scarlett Kramer dahil Sa Todo Effort Nila Doug at Cheska Kramer



Ang 7th birthday ay isang milestone na kaarawan na talagang pinaghahandaan ng maraming magulang. Nakasanayan na ng maraming tao na bigyang halaga ang kaarawan na ito. Ang iba ay talagang gumagastos ng malaki para maibigay ang isang memorableng karanasan sa kanilang anak.

Pero hindi lahat ng magulang ay kayang gawing magarbo ang ganitong okasyon. Ang ibang mga magulang ay nagluluto na lang sa bahay at nagiimbita ng mga kaibigan ng anak. Ang sobrang pagmamahal ng magulang sa kanilang anak ang nagiging dahilan upang bigyang halaga ang mga ganitong kaganapan. Bilang isang anak, ang mga batang nakakaranas ng magarang pagdiriwang ay mapalad at magmamarka sa kanilang isip at puso ang pagmamahal ng kanilang magulang.

Katulad na lang ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer. Sa post nila sa Instagram, maraming mga netizens ay namangha sa naging celebration ng kanilang pangalawang anak na si Scarlett Kramer. Idinaos ang pagdiriwang noong ika-28 ng Nobyembre.

Ang Team Kramer ay lubos na sumikat at nakilala dahil sa mga komersyal na nakikita natin sa telebisyon. Si Doug Kramer ay isang basketbolista at si Cheska naman ay dating artista. Tila ba parang napaka-perpekto ng kanilang pamilya dahil pinagkalooban din sila ng tatlong anak. Si Kendra ang kadalasan natin nakikita sa mga komersyal na panganay na anak, si Gavin ang bunso, at si Scarlett ang pangalawa na binigyan ng magandang 7th birthday celebration ng kanyang mga magulang.

Ang naging thema ng pagdiriwang ay Winter wonderland na ang naging Event Stylist ay si Jo Claravall. Idinaos ang mala-magical na pagdaraos sa Amanpulo. Ito daw kasi ang pangarap ni Scarlett Kramer na birthday celebration. Pink lace ball gown ang kasuotan ni Scarlett Kramer sa pagdiriwang.



Mapapansin din na may suot din siyang scarlet cape sa palibot ng kanyang korona. Ayon sa KAMI sa pagdiriwang ay binigyan ni Gavin Kramer ng Boquet of flowers ang kanyang kapatid at nag-alay naman ng kanta sila Kendra Kramer at ang ama sa stage.

Mapapansin sa mga litrato ang kaligayahan ng batang nag diwang ng 7th birthday. Ang hiniling ni Scarlett sa kanyang kaarawan ay magkaroon pa siya ng panibagong kapatid. Tunay na maaalala ni Scarlett ito hanggang sa paglaki niya, hindi dahil sa ginastusan ito, ito ay dahil sa naramdaman niyang pagmamahal sa kanyang pamilya lalong lalo na sa magulang.




error: Content is protected !!