Isang Babae Na Nagmahal Na Hindi Gumamit ng Mata Sa Paghahanap, Bagkus Ang Ginamit Ay Puso



Karamihan sa mga tao ngayon, ang nagiging batayan sa pagpili ng kapareha ay ang itsura. Hindi na maitatanggi ito dahil likas na mararamdaman ito ng taong makakita ng kanilang gusto. Pero ang nakaka bilib ay ang pangyayari sa isang 23 year old na Thai na babae.



Siya ay si Phatsara Obnak na nainlove at nagpakasal sa isang lalaking may masamang ayos sa mukha o sabihin na nating hindi maayos ang itsura. Ang lalaking ito ay si Boonme Khanthong na may edad na 37 na mapalad na pinakasalan ni Phatsara.

Pinatunayan ni Phatsara na hindi naging batayan ang pisikal na itsura ng isang tao sa pagmamahal at tanging ang taglay na pagmamahal ang naging dahilan upang sila ay magkatuluyan.

Ayon sa Thai News Agency, Naganap ang kasalan ng dalawa sa isang village sa northeastern na probinsya sa Surin, Thailand. Sa isang interview, ibinahagi ni Boonme Khantong ang naging sanhi ng kanyang itsura. Noong bata pa lamang daw si Boonme ay dinanas na niya ang pagkasira ng kanyang capillaries.


Dinala siya sa Siriraj hospital sa Bangkok ng maraming beses pero hindi nalunasan ang sakit. At dahil na rin sa kakulangan sa pera ay di na rin naipilit ng kanyang magulang na pagalingin ang sinapit ni Boonme. Si Boonme Khantong ay nakatapos lamang ng Grade 5 kaya naman hirap na hirap siyang makahanap ng trabaho, isama pa ang hirap niyang magsalita upang mainitindihan ng ibang tao. Buti na lang at natulungan siya ng isang kaibigan na si Virat Saothong na isang kontraktor para siya ay magkaroon ng trabaho.

Bukod sa kanyang trabaho, tinutulungan din ni Boonme Khantong ang kanyang kapatid sa may southern Hat Yai City para magtinda ng papaya. Dito niya nakilala ang kanyang napangasawa na si Phatsara Obnak.

Minahal ni Phatsara Obnak si Boonme dahil sa sobrang pag-aasikaso at pagaalaga sa kanila ng kanyang anak sa dati niyang asawa. Ito ang pagpapatunay na hindi magiging hadlang ang itsura upang mahalin ka ng iyong magugustuhan. Tandaan, ang itsura ay nagbabago pero ang wagas na pagmamahal, kahit kailan man ay hindi magbabago.




error: Content is protected !!