Nakakamanghang talento ng isang Pinoy driver na gumawa ng obra maestra sa mga aluminyong kawad!



Kilala ang mga Pinoy hindi lamang sa pagiging maasikaso sa mga bisita o pagiging hospitable, lalo’t higit sa mga talento at kahusayan na nagbibigay karangalan sa ating lahi at sa ating bayan. Saan mang larangan ay talaga namang may mga mahuhusay na Pinoy tayong maipagmamalaki, mayroon tayong mga mahuhusay na mang-aawit, mananayaw, aktres o aktor, at maging mga atleta. Kilala rin ang mga Pilipino pagdating sa pag-iimbento.


Isa na rito ang 52 taong gulang na drayber na si Carlito Romanillos na nakilala sa paglikha niya ng kanyang mga obra maestra gamit lamang ang aluminum wire! Nakakamanghang tunay ang kanyang imahinasyon, galing at husay sa paggawa ng iba’t-ibang bagay tulad na lamang ng kotse, motorsiklo, dyip, bisekleta at makalumang mga sasakyan. Siya ay isang on-call driver nang halos isang dekada. Hiwalay siya sa kanyang misis at mayroon silang isang anak na isang call center agent.

Kitang-kita ang kanyang determinasyon at katiyagan sa paggawa ng kanyang mga obra. Kung noong una ay inaabot siya ng anim na buwan sa pagtapos ng isang motosiklo, inaabot na lamang siya ngayon ng isang linggo!



Wala siyang intensyong ipagbili ang kanyang mga gawa noong una ngunit kalaunan ay marami na rin siyang kaibigan na nagnanais na bilhin ang kanyang mga gawa at pinayuhan siya na maaari siyang magkapera dahil dito.


Ayon pa sa kanya, binebenta niya ng 1,500 ang motorsiklo ngunit tatawaran naman ito ng 500. Nakiusap naman ang matanda na huwag naman masyadong baratin ang kanyang mga likha dahil bukod sa binibili niya ang kanyang mga materyales ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan niya ang bawat disenyo ng kanyang mga nilikha. Ang iba naman sa kanyang mga gawa ay nagkakahalaga ng 7 libong piso.



Isang Henry Ngan naman ang nagpost nito sa kanyang social media account upang mas makilala pa ang likha ni Carlito at matulungan siya sa pamamagitan ng pag-like at share sa nasabing post.




error: Content is protected !!