Categories: Viral

Silipin ang pinakamalinis na palengke sa Pilipinas, maging ang mga palikuran ay sadyang napakalinis din!

Nasanay na tayo sa maputik, basa, at malansang kalakaran sa ating mga palengke. Tila ito ay naging tatak na ng isang “wet market”. Sa kabila ng ganitong kalagayan ng ating mga palengke at sa mga negatibong komento, ito ay patuloy pa ring tinatangkilik ng nakararami dahil sa mas murang mga presyo at mas sariwang mga bilihin. Ngunit maniniwala ka ba na mayroong tinatawag na pinakamalinis na wet market sa buong Pilipinas?

Ito ay isang palengke sa Bukidnon na naging usap-usapan sa social media dahil sa nakakamanghang kalinisan nito. Hindi mo talaga aakalain na ito ay isang wet market kagaya ng ating nakasanayan. Kapansin-pansin din na wala ni isang kalat ang lugar na ito. Maging ang kanilang mga palikuran ay napakalinis din.

Isang netizen na nagngangalang Kyle “Kulas” Jennerman ang nag-upload ng mga larawan nito sa kanyang social media account. Taliwas ito sa mga palengke na nakasanayan natin dito sa Pilipinas. Maraming mga tao at mga netizens ang nagulat sa ganitong uri ng pamilihan.

Hindi akalain ng nakararami na maaari pa lang magkaroon ng ganitong uri ng pamilihan sa ating bansa sa kabila ng maraming mga negatibong komento sa pagiging iresponsable at pabaya natin sa ating mga basura.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na ang Maramag Public Market ay hirangin bilang “Cleanest Wet Market in the Philippines”. Bukod sa nakakasilaw na kalinisan ng pamilihang ito, hindi rin makapaniwala ang marami na napapanatili rin nilang ubod ng linis ang mga palikuran sa pamilihang ito!

Isa itong malinaw na patunay na maaari rin pala nating makamtan ang kalinisan kung tayo ay magtutulungan at magsusumikap na mapanatili ito. Kasabay ng mga taong magiging kaagapay sa patuloy na pagpapanatili ng kalinisang ito ay ang inspirasyon na maaaring maidulot at maibahagi nito sa maraming indibidwal.

Talaga namang nakakamangha at nakakagulat ang mga ganitong tagumpay ng kapwa natin mga Pilipino.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago