Isang aso ang palagiang namamataan sa harap ng altar ng isang simbahan tuwing may misa, bakit kaya niya ito ginagawa?



Natural na sa ating mga Pilipino ang magsimba, sumamba o mangilin tuwing Linggo. Dahil Linggo ang ika-pitong Linggo at araw ng kapahingahan, bawat pamilya ay sama-samang nakikinig ng misa at aral mula sa Bibliya. Ngunit paano kung mayroon kang makasabay na isang aso na sa harap ng altar pa nakaupo sa iyong pagsisimba? Paalisin mo ba siya o hahayaan mo na lamang? Ngunit ano kaya ang dahilan ng kanyang pananatili doon?


Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang kwento ng isang aso na araw araw di umanong nasa simbahan at nakikinig ng misa. Maging ang mga taong naninirahan sa lugar na iyon ay hinahayaan na lamang ang aso dahil sa hindi naman ito nagiging sagabal a misa at hindi nag-iingay. Ngunit sadyang nakakabagbag damdamin ang kwento ng asong ito sa isang bayan ng San Donaci sa Italya.


Tommy ang pangalan ng aso na ito na kinupkop ni Maria Margherita Lochi nang matagpuan niya ito sa bukid hindi kalayuan sa kaniyang tahanan. Simula noon ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Madalas din na kasama ni Maria si Tommy sa tuwing siya ay magsisimba. Ngunit di kalaunan ay iniwan din ni Maria si Tommy at ito ay namayapa na. Naiwan ang kawawang aso na naghihintay sa pagbabalik ng mahal na amo.

Napansin na lamang ng mga tao ang madalas na pagpunta ni Tommy sa lugar na palagi nilang inuupuan ni Maria. Hinahayaan naman ito ng pari at ng mga tao dahil sa hindi naman siya nagiging sagabal sa mga misa n ginaganap doon. Doon din huling nakapiling ni Tommy si Maria sa mga huling sandali nito sa kanyang kabaong.


Nakakapanlumong malaman na patuloy pa rin niyang inaantay ang kanyang ako sa kabila ng pagpanaw nito. Bagamat pinapakain at inaalagaan ng mga taong bayan si Tommy tila hindi pa rin nito maiaalis ang pangungulila niya sa taong kumupkop, nagmahal, at nag-alaga sa kanya.




error: Content is protected !!