Mga Epekto Ng Pagtulog Ng Basa Pa Ang Buhok, Mabuting Iwasan Upang Kalusugan Ay Mapangalagaan.



May mga ibang tao na mahilig maligo sa gabi. Talaga naman kasing nakaka-presko sa pakiramdam ang bagong ligo. Ang iba naman ay gustong maligo ng gabi dahil gusto nilang mawala ang dumi na nakuha sa maghapong nasa labas ng bahay.

Pero nakasanayan niyo rin bang matulog na hindi man lang pinapatuyo ang buhok? Kung oo ang sagot mo, dapat mo ng itigil ito. Dahil ang pagtulog ng basa pa ang iyong buhok ay may mga masasamang epekto.



Ito ang ilan sa mga masamang epekto:

1. Magiging sanhi ng pagpuputol-putol ng buhok





Kapag nabasa ang ating mga buhok nagiging marupok ito. Kaya kung ito ay iyong itutulog, sa iyong paggalaw sa unan, magiging dahilan ito upang maglagas o maputol ang iyong buhok.



2. Matinding pagkakabuhol



Pagkatapos maligo, lalong lalo na sa mga kababaihan, nahihirapan suklayin ang buhok dahil madaling magbuhol-buhol ito kapag basa. Mas lalo kapag itinulog mo ang buhok mo ng basa. Magiging sanhi pa ito ng pagka-putol o pagkasira.



3. Pagkalagas




Ang pagtulog ng basa ang buhok ay nagreresulta ng pagka-buhaghag. Dahil dito nagkakaroon ng mga split-ends at nagdudulot ng pagkalagas.

4. Pagkakaroon ng balakubak o dandruff


Kapag natulog ka ng basa pa ang iyong buhok, maaaring mapigilan ang paglabas ng oil na nagiging sanhi ng pangangati, pagkatuyo, at pagkakaroon ng balakubak.

5. Pananak!t ng ulo




Makakaramdam ng pananakit ng ulo ang mga may gawaing natutulog ng basa ang buhok. Tumataas kasi ang temperatura ng ating katawan kapag ganito ang ginawa natin.


6. Iritasyon sa iyong anit


Kapag hiniga mo ang iyong ulo sa unan na basa pa ang buhok, nakaka-absorb ito ng moisture na nagiging sanhi
ng iritasyon sa anit.

7. Pagkakaroon ng bakterya


Paboritong lugar ng mga bakterya ang moist na lugar. Kaya kung inihiga mo ang iyong basang buhok sa unan, pamamahayan ito ng bakterya upang dumami pa.

8. Pagkaparalisa ng mukha


Dahil sa pagtulog ng basa pa ang buhok, bumababa ang ating temperatura na nagiging dahilan upang magmanhid ang mga facial muscles na nagdudulot ng pagkaparalisa.




error: Content is protected !!