Pitong Mga Mabisang Inumin Upang Mawala Ang Kidney Stones Sa Iyong Katawan



Mas mainam talagang mapigilan kaysa sa magkaroon ng malalang sakit. Lalong lalo na ang pagkakaroon ng Kidney Stones.

Ang pagkakaroon ng Kidney Stones ay hindi dapat binabaliwala. Ang mga taong mayroon nito ay nahihirapang umihi at nakakaramdam ng sakit na sanhi ng implamasyon. Hindi mo nanaisin itong sakit na ito dahil maaari kang ma-operahan kung hahayaan lang.



Kaya habang maaga pa lamang at ayaw mong mauwi sa mga medikal na operasyon, dapat ay maagapan na. Kung maliit pa lamang ang kidney stones, may mga ilang mga dapat inumin upang i-flush out ang kidney stones.

Ito ang ilan sa mga mabisang panglabas ng kidney stones:


1. Coconut water o sabaw ng buko


Napaka bisang remedyo sa mga taong may kidney stones ang buko. Nagtataglay ng mineral na Potassium ang buko na siyang dumudurog at naglalabas ng kidney stones sa katawan.
Ang dapat lang gawin ay uminom ng fresh buko tuwing umaga at araw-araw hanggang gumaan ang pakiramdam.


2. Sambong


Ang Sambong ay kadalasang iniinom ng may mga UTI dahil ang sambong ay mabisang pampa-ihi. Pwede rin itong gamitin sa may mga kidney stones upang ma-flush out at malabas sa ihi.
Karaniwan ay ginagawang tsaa ang sambong. Kumuha lang ng mga sariwang dahon ng sambong, hiwain ng maliliit, pakuluan ng 10 minuto, salain, at inumin ng apat na beses sa isang araw.



3. Lemon water o lemon juice


Napakaraming benepisyo ang paginom ng lemon juice. Lalong lalo na sa Kidney. Nagtataglay kasi ito ng Citrate na pumipigil sa pagbuo ng Calcium Stones.
Simple lang ang gagawin. Maghiwa ng Lemon, pigaan at inumin. Maaari ding maghiwa ng lemon at ibabad sa hindi malamig na tubig, ito ang palagi mong iinumin araw-araw.

4. Apple Cider Vinegar


Isa rin ang Apple Cider Vinegar na kilala sa maraming benepisyo sa katawan. Kaya i-dissolve ng ACV ang Kidney Stones dahil nagtataglay ito ng Acetic Acid.
Maglagay lamang ng dalawang kutsara ng ACV sa isang basong may maligamgam na tubig at inumin sa umaga.



5. Pomegranate juice


Kilala rin ito sa tawag na Prutas na Granada. Ang Pomegranate ay mabisang prutas na nakakatulong alisin ang mga kidney stones sa katawan. Dahil ginagawa niyang less acidic ang iyong ihi.
Uminom lang ng 100% na purong Pomegrante Juice Araw-araw.

6. Katas ng celery


Matagal ng ginagamit ang celery na pang gamot sa sakit sa bato. Dahil pinipigilan at tinatanggal din niya ang mga kidney stones sa katawan.
Maglagay lamang ng mga tangkay ng celery sa isang pitsel at inumin ito ng buong araw.

7. Water therapy


Karaniwan ay nagkakaroon ng kidney stones ay ang mga taong hindi madalas uminom ng tubig. Ang tubig na iniinom ay isang napakabisang paraan upang ilabas lahat ng negatibong bagay sa ating katawan pati na rin ang kidney stones.
Ugaliing uminom ng 8-10 na baso ng tubig araw-araw.




error: Content is protected !!