Silipin at mamangha sa tahanang ito ni John Lloyd Cruz



Ang pagkakaroon o pagpapatayo ng iyong tahanan ay isa rin palang paglalakbay na kung saan magkakaroon ka pa ng maraming pagkakataon upang madiskubre ang iyong sarili, ang iyong mga kagustuhan, at ang nais mong patunguhan. Kung kaya naman ganun na lang kahalaga ang pagkakaroon ng arkitekto, interior designer at iba pang mga tao na lubos na makatutulong sa pagsasakatuparan ng pangarap mong bahay. Tulad na lamang ng pagpapatayo at pagpupundar ni John Lloyd Cruz sa kanyang tahanan. Ito ay magkahalong elegante at kaswal. Dahil sa ayaw ng aktor ng modernong istilo sa kanyang tahanan mas naging French-Meditteranean ang istruktura, at American-design naman ang interyor. Pangunahing gusto ng aktor ang pagiging komportable at kalmante ng kaniyang magiging tahanan.

Sina Roland Andres at Danny Lucas ang katuwang ni JLC para sa kanyang 1,1000 metro kuwadradong “dream house” sa Antipolo City. “Kung anuman ‘yong nakikita n’yo dito—laman ng bahay, ‘yong dating ng bahay—sa akin talaga, number one kong kinonsider ang comfort,”dagdag pa ng aktor.

Silipin natin ang French Mediterranean-inspired na tahanan ni John Lloyd:



FACADE


Kakaibang ganda ang pupukaw sa iyong paningin sa mala-Los Angeles na harapan ng kanyang tahanan! Enggrande pagpasok talaga ang bubungad sa mga bisita.


OUTDOOR DETAIL


Libangan na raw ng pamilya ang magpakain ng mga Koi Fish. At dahil dito mayroon din silang mga Koi Fish na pinapakain sa labas ng kanilang tahanan, tanggal pagod na dagdag ganda pa at disenyo sa paligid.


FRONT DOOR AT STAIR CASE


Pag pasok pa lamang sa pintuan ay malaking espasyo na ang bubungad sa mga bisita, mayroon din itong hagdanan patungo sa mga silid at malaking orasan mula kay Arte Español.



POWDER ROOM


Matatagpuan ito sa bandang ilalim ng kanilang hagdanan at talaga namang ikaw ay mamamangha sa mala-hotel nitong ganda.

DINING AREA


Ang sampung-upuan na hapag-kainan na ito ay gawa sa Narra mula sa Linea Furniture. Mayroon din itong clear sliding door kung saan matatanaw mo ang labas ng kanilang tahanan.






error: Content is protected !!