8 Nakakabuting Epekto Ng Paginom Ng Okra Water! Hindi Lang Gulay, Gamot Pa!



Ang Little Fingers o mas kilala natin sa tawag na Okra ay isang napaka-sustansyang gulay. Maraming mga tao ang inaayawan ang gukay na ito dahil sa pakiramdam ng pagkain, dahil madulas at malapot.

Pero alam niyo bang siksik at liglig ang makukuhang bitamina at mineral sa Okra? Ilan sa mga Bitamina na Makukuha ay ang Bitamina A, B, C, E, at K. At mayroon ding mga Mineral na Calcium, Potassium, Magnesium, Iron, At Zinc. Para ka ng uminom ng Vitamins Capsule na mamahalin sa pagkain ng gulay na ito. Bukod pa sa mga nasabi, Naglalaman din ang Okra ng Mucilaginous Fiber na mabisa sa metabolismo ng ating katawan.



Upang makuha natin ang mga nutrisyon na ito, kailangan nating gumawa ng Okra Water upang lubos na ma-intake lahat ng nasabing Bitamina at Mineral.

Paraan ng paggawa ng Okra Water:


1. Dapat ay mayroon kang 3 hanggang 5 pirasong okra. Mas maganda ang fresh o bagong pitas. Hugasan at Hiwain ang okra ng pira-piraso.
2. Maglagay ng tubig sa isang water container o kaya ay baso at ilagay ang hiniwang mga okra.
3. Ibabad ang Okra Solution ng buong gabi
4. Pag gising sa umaga ay alisin ang okra at inumin ang Okra Water.

Ito ang mga benepisyo ng ininom mong Okra Water:


1. Panlaban sa stress


Ayon sa mga medikal na pagaaral, ang mga buto ng Okra ay nagtataglay ng antioxidants na mabisang bagay upang mawala ang stress sa katawan. Kaya kung nararamdaman mong palagi kang balisa at stress, makakatulong sayo ang Okra Water.



2. Para sa may ubo at makating lalamunan


Ang malapot na katas ng Okra ay mabisang gamot sa sore throat at ubo. Ito ay dahil sa naglalaman ng antibacterial properties ang katas ng Okra.

3. Diarrhea


Ang mga taong nakakaramdam ng ganitong sakit ay nawawalan ng mineral at electrolyte sa katawan. Dahil sa yamang mineral ng Okra, ang paginom ng Okra Water ay ang magdadagdag ng nawalang mineral sa katawan. Malalabanan din ng Okra Water ang pagkakaroon ng ganitong kundisyon.



4. Nagpapababa ng kolesterol


Dahil ang Okra ay nagtataglay ng Mucilaginous Fiber, makakatulong ito upang mawala ang mga masasamang cholesterol sa katawan. Mabisa din itong panlaban sa sakit sa puso.

5. Para sa may mga diabetes


Madalas na riseta ito sa may mga diabetes. Dahil ang Okra ay may mga insulin like properties na tumutulong upang mabawasan ang sugar levels sa dugo.

6. Konstipasyon o hirap magdumi


Ang Mucilaginous Fiber na pumapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng pagkain o paginom ng okra ay nakakatulong din sa kahirapan sa pagdumi. Dahil nililinis nito ang mga toxins na nasa loob ng ating katawan.

7. Pampalakas ng resistensya


Ang resistensya ng katawan ang pangunahing priority natin upang malabanan ang sakit. Dahil maraming makukuha na bitamina sa Okra katulad ng Bitamina C, napapalakas nito ang ating resistensya. Kasama na rin ang antioxidants na nakakatulong din sa immune system ng katawan.

8. Pampaganda ng balat


Ang paginom ng Okra Water ay sadyang maraming naitutulong. Bukod sa resistensya ay pwede rin itong pampaganda ng balat. Dahil sa mga antioxidants na nakukuha sa Okra, nililinis ang dugo na dumadaloy sa ating katawan. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan ang pagkakaroon ng tighyawat.




error: Content is protected !!