Anak ng isang basurero nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa trabaho ng ama!



Mahirap ang buhay. Kahit sino naman ay sasang-ayon sa pahayag na iyon. Ngunit gaano man kahirap ang buhay ng isang tao, hindi mo maiaalis sa kanya ang mangarap. Mangarap na sa kabila ng kanyang mga paghihirap at mga pagsubok na pinagdaraanan ay magkakaroon pa rin siya ng magandang kinabukasan sa hinaharap.



Kapag nakaranas ka na ng hirap o hamon sa buhay, paniguradong mas magiging malakas ka at matatag. Hindi mo maaalintana ang mga balakid sa iyong mga pangarap. Tunay ngang ang kwentong ito ay magiging isang napakalaking inspirasyon para sa maraming pamilya, sa mga magulang na nagsusumikap at para sa mga anak na nagmamahal sa kaniyang mga magulang at walang ibang ninanais kung hindi ang ikagaganda at ikabubuti ng kanilang buhay.


Isang 51-anyos na magbabasura si Cristito Quimado na kumikita ng 500 piso sa isang araw. Magtataka ka kung paano niya ito napagkakasya sa limang anak niya. Magmula sa kanilang pagkain at panggastos sa araw-araw hanggang sa gastusin sa paaralan ng kaniyang limang mga anak.


Marami ang humanga ng mapanuod ang isang dokumentaryo kung saan tampok ang kanilang kwento. Ayon din sa masipag na ama, pinipilit niyang mapagtapos ang kaniyang mga anak sa kolehiyo dahil sa edukasyon lamang ang tanging maipapamana niya sa kanyang mga anak.



Noong Abril ay napagtapos na niya ang kanyang panganay na anak na si Jenny Rose Quimado na kumuha ng kursong Bachelor of Science degree in Nutrition and Food Technology. Umamin din ang dalaga na hindi niya ikinahihiya ang trabaho ng kanyang ama na naging dahilan ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral.

Bagamat sinabi ni Tatay Cristito na hindi pa tapos ang kanyang obligasyon sa mga anak, nangako ang kanyang panganay na tutulungan niya ang kanyang ama at ang kanilang pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Nakakamanghang malaman na mayroon pa ring mga taong nagsusumikap sa buhay na hindi nila hinahayaang maging hadlang ang kahirapan sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap.






error: Content is protected !!