Ang Babaeng Nagmahal At Nagpakal Sa Isang Matabang Lalaki Pagkatapos Ng Sampung Taon



Ang Pag-ibig ay sadyang matalinhaga. Hindi mo alam kung hanggang saan ka dadalhin ng iyong nararamdaman. Pero pinagpapala ang mga taong nagmamahal ng tunay at totoo. Karaniwan sa mga naghahanap ng mga kasintahan, ang una nilang tinitignan ay ang panlabas na itsura. Ang iba pa nga ay may mga pamantayan pa kung ano ang ideal na itsura ang gusto nila. Pero naiiba ang isang babaeng ito na nagmahal ng isang sobrang tabang lalaki.

Siya si Puwadol na nainlove sa isang maswerteng lalaki na si Kudi. Ang dalawang ito ay taga Thailand. Si Kudi ay overweight na may timbang na 265 lbs na masasabing obese. Pero hindi ito naging hadlang kay kudi para matagpuan niya ang kanyang “forever”. Dahil sa laki at pagkabilog ni Kudi binansagan siyang “Ball” pati rin si Puwadol tinatawag din siyang ganito. Pero kahit ganito ang tawag niya ay mahal na mahal niya si Kudi. Si Puwaldol ay maganda at payat na may timbang na 97 lbs.

Kahit na tinutukso ng mga tao si Kudi dahil sa kanyang panlabas na anyo, minahal pa rin ni Puwaldol ang lalaki na nakasama na niya ng sampung taon. Si Puwaldol ay isang Nurse. At ang nakakataka ay bakit di niya tinutulungan si Kudi na magbawas ng timbang. Marahil ay may mga medikal na dahilan ang paglaki ni Kudi. Pero hindi naman talaga importante ang itsura ng isang tao sa pagsasama, ang kailangan lang ay mahal niyo ang isa’t isa.

Ang sabi ni Puwaldol:
“Many people look at us and call Ball [Kudi] fat, but we do not care because I am in love with the person not just what he looks like,” Puwadol defended her choice.

Noong nakaraang taon ay kinasal na silang dalawa. Pagkatapos ng sampung taon na pagsukat kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Biniyayaan sila ng isang anak na babae nitong Disyembre.

Ang pagmamahalan nilang dalawa ay isang halimbawa ng pagiging bulag sa pagibig. Bakit bulag? Dahil ang ginawa ni Puwaldol ay pinili niya ang taong mamahalin niya ng hindi tumitingin sa itsura bagkus sa pagpaparamdam ng kasiyahan at pagmamahal.




error: Content is protected !!