Isang babae ang naging inspirasyon sa maraming netizens dahil sa 30 kilong ibinawas ng kanyang timbang sa loob lamang ng 5 buwan!



Karamihan sa mga kababaihan ngayon ay hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin ang kanilang sarili lalo na ang kanilang mga katawan. Maaaring dahil sa pagiging abala sa maraming bagay, maging sa mga hindi sapat at hindi masustansiyang pagkain sa araw-araw, o maaari rin naman ang mga bagay na kinagawian sa araw-araw nating pamumuhay.



Maaaring sa ngayon ay wala pa itong masamang maidudulot ngunit kapag tumagal at lumipas ang panahon tiyak na magkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa iyong sarili at higit sa iyong katawan.


Ito marahil ang naging dahilan kung bakit nagsumikap ang isang dalaga na mahalin ang kanyang sarili upang magbago ang kanyang buhay. Alam naman ni Angel na siya ay “obese” sa edad na 85. Sa loob ng ilang taon ay sinubukan na rin niya ang “yo-yo dieting” ngunit wala rin itong naging epekto.


Ngunit kamakailan lamang ay nabawasan siya ng 29 kilos sa loob lamang ng limang buwan! Tulad ng nakararami, marami na din siyang nasubukan na dyeta at mga pagtatangkang makapagbawas ng timbang.



Tunay ngang hindi ito madali dahil kahit pa suportado siya ang kanyang mga magulang at kaibigan nahirapan pa rin siyang makamtan ang kanyang minimithi. Maging ang pag-gi-gym ay ginawa na rin niya ngunit tulad ng iba ay hindi rin ito nagtagal.



Itinigil man niya ang pagpunta niya sa gym ay patuloy pa rin ang kanyang dyeta na walang kanin, walang karne, at walang prito. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang makapagbawas siya ng 29 kilo sa loob lamang ng limang buwan! Nakakatuwang malaman na ang kanyang mga paghihirap noon ay napalitan na ng napakalaking pagbabago para sa kanyang buhay. Isa itong napakagandang inspirasyon para sa marami.




error: Content is protected !!