Isang eroplanong nababalutan ng mga dyamante nakuhanan ng isang larawan! Totoo nga kaya ito?



Marami sa atin ang hanggang ngayon ay hindi pa nakakasakay sa isang eroplano. Ang ilan ay natatakot lalo na kung unang pagkakataon pa lamang sumakay sa ganitong uri ng transportasyon. Samantalang ang ilan naman ay minamabuti na lamang sumakay sa mga sasakyang pang-dagat o pang-lupa kaysa sa mas mahal na pasahe sa eroplano. Ngunit hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na isa ito sa pinaka-konbinyenteng paraan ng transportasyon. Kilala rin ito bilang isang pinaka-ligtas na paraan upang maglakbay.

Kamakailan lamang ay mayroong kumalat na larawan ng isang eroplanong punong-puno ng dyamante na tila baga nagniningning sa kinang at ganda. Kung tayo ay likas na alitaptap lamang, tiyak na mapupukaw tayo ng kinang ng mga dyamanteng ito sa kabuuan ng isang eroplano. Ngunit gaano kaya katotoo na mayroong isang eroplano na lalagyan ng puro dyamante sa labas nito?

Pinatotohanan na ang larawan ay totoo ngunit ang mga dyamanteng makikita doon ay wala talaga sa eroplano kung hindi nasa larawan lamang. Ito ay nagsimula sa isang dating dentista na ngayon ay isa nang “crystal artist”. Siya ay si Sara Shakeel, natagpuan niya ang Boeing 777 sa “Dubai’s flagship airline” na Emirates.



Masusi, maingat, at mabusisi niyang nilagyan ng mga kristal at dyamante ang larawan ng napiling eroplano at ito na ang kinalabasan. Marami rin ang nagulat at napukaw ang atensyon sa larawang ito. Nakatanggap ang larawang ito ng 400,000 “likes” sa Instagram sa loob lamang ng isang araw.


Marami ang nanghinayang dahil sa hindi pala ito totoo, marami din pa lang nagnanais na makasakay sa ganito kagarang sasakyan na tila ba isa kang Prinsipe o Prinsesa na nakasakay sa kanyang magandang karwahe.


Ang ilang mmga naniwala sa larawang ito ay nagnanais magpa-book ng flight samantalang ang iba naman ay nangangamba na kkung sakaling totoo nga ito ay magiging delikado dahil sa maaari daw itong makidlatan o kaya naman ay makasakit sa mga tao sa labas ng eroplano lalo na kung ito ay lilipad na sa himpapawid.





error: Content is protected !!