Mga Dahilan Upang Ang Softdrinks Ay Maiwasan, Upang Ang Sakit Na Dulot Nito Ay Mapigilan



Totoong napaka sarap uminom ng softdrinks. Nakaka-ginahawa kasi sa katawan at nakaka-dighay. Carbonated drinks kasi ito na talagang hahanap-hanapin mo.

Maraming tao ang mahilig sa softdrinks. Kadalasan ay di nagiging kumpleto ang masarap na kain kung walang softdrinks. Karaniwan pa ay kapag nasa mga fastfood ay ung large size pa talaga ang ino-order. Sa sobrang dami na ng klase at brand ng softdrinks, siguradong mayroon ka ng paborito at madalas na inumin.



Ginagawa mo bang tubig ang softdrinks? Araw-araw ka bang umiinom nito? Hindi mo ba kayang mawala sa sistema ito? Kung ang sagot mo ay “oo” magisip ka na kasi maraming negatibong epekto ito sa katawan at sa iyong kalusugan.

Ito ang ilan sa mga magiging epekto ng madalas na paginom ng softdrinks.


1. Pinapataas ang tiyansa na magka-diabetes


Ito talaga ang pinaka matindi na makukuha mong sakit sa softdrinks. Alam niyo bang napakaraming asukal ang nakukuha sa softdrinks? Subukan niyo lang pakulaan ito hanggang wala ng liquid, makikita niyo na sobrang dami ng asukal. Ang sobrang daming intake ng asukal sa katawan ay nakaka apekto sa ating pancreas na responsable sa produksyon ng insulin. Ito ang magiging dahilan upang magka-diabetes.


2. Nagdudulot ng dehydration


Alam niyo ba kung bakit hinahanap-hanap lagi ang softdrinks? Dahil ito sa caffeine na matatagpuan din sa kape. Ang caffeine ay isang substansya na pampaihi. Kaya naman kapag uminom tayo ng softdrinks ay madalas tayong maihi na maaaring magresulta sa dehydration.



3. Nakakapagpataba


Kung hilig mo talaga ang paginom ng softdrinks, malaki ang tyansa mong tumaba. Bukod sa maraming asukal, naglalaman din ito ng calorie na nagiging sanhi ng pagtaba. Kung ayaw mong maging obese, dapat itigil mo na ito.

4. Nakakasira ng ngipin


Ang pananakit ng ipin ay parang isang bangungot na sakit sa ilang tao. Alam niyo bang pag mahilig kang uminom ng softdrinks pwedeng sumakit ang iyong ipin? Dahil ang softdrinks ay naglalaman ng acid na maaaring maka-sira ng enamel sa ipin. Katulad din ng asukal kapag nababad ito sa ipin sisirain din ang ipin.



5. Nakakapagdulot ng problema sa bato o kidney


Kapag ginagawa mo ng tubig ang softdrinks, baka magkasakit ka na sa bato. Ang softdrinks ay naglalaman ng maraming kemikal na maaaring makasira ng kidney. Dahil din sa caffeine na pumapasok na nagiging sanhi ng kadalasang pag-ihi, maaaring ika-damage ng inyong bato.