Nakakamangha ang lalaking ito dahil sa pagsusumikap niya sa 4 na mga trabaho niya upang makapag-ipon ng sapat na pera para sa kasal nila ng nobya!



Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Pag-ibig na aakalain mong isang simpleng salita lamang ngunit malaking pagbabago rin pala ang magiging dulot nito lalo na sa mga kalalakihan na akala mong walang pangarap sa buhay pero heto at nagsusumikap upang maibigay ang pangarap na kasal para sa kanyang minamahal. Nagpost sa kanyang social media account ang isang lalaking nagngangalang Amin kung paano niya nagagawang pagsabayin ang apat na trabaho upang makapag-ipon ng sapat na pera para sa pagpapakasal nilang magkasintahan. Nanghihingi siya ng suporta sa nakararami upang tangkilikin ang kanyang mga binebentang produkto.



Ayon din sa kanya, siya ay isang rider o tagapag-hatid ng “Food Panda” mula umaga hanggang gabi. Isa naman siyang taga-gawa ng mga sirang cellphones pagsapit ng gabi. Kahit tutorial services para dito ay pinagkakakitaan niya rin. Sa madaling araw naman ay nagtitinda siya ng “Air Koko” sa Jalan Ikan Mas Cheras lalo na tuwing Huwebes. Tuwing Sabado naman ay tumutulong siya sa pamilya niya na magbenta ng mga damit sa Jalan Tunku Abdul Rahman.


Ngunit kung inaakala mong hanggang doon lang ang kaya niyang gawin, nagkakamali kayo! Dahil nagagawa rin niyang magbenta ng iPhones at iba pang mga gadgets sa kanyang social media account.


Sa kabila ng mga trabaho niyang ito ay mayroon pa rin siyang panahon para sa kanyang kasintahan. Bagamat marami ang humahanga sa kanyang dedikasyon, marami rin naman ang nag-aalala sa magiging dulot nito sa kanyang kalusugan. Pag-aalala pa ng ibang mga netizens, maaaring ang pera na kaniyang pinaghirapan ay maging pambayad rin ng gastusin sa ospital kung siya ay magkasakit nang dahil sa kanyang ginagawa.



Tunay ngang malaking bagay ang kanyang labis na pagsusumikap para sa kanilang kasal, bagamat mahirap ang kanyang ginagawa tiyak na lubos siyang naliligayahan dahil sa pagkakaroon niya ng napakatibay na lakas ng loob upang magawa ang nais niyang gawin.