Mga Pangunahing bansa na may malaking sweldo para sa mga Overseas Filipino Workers



Tunay ngang mahirap maging OFW, ngunit sa kabila ng lahat ng mga paghihirap nila ay ang kagustuhang maging maayos at magaan ang pamumuhay ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas. Kung dito sa ating bayan ay nahihirapan silang humanap ng magandang trabaho, kahit pa nakapagtapos na ng kolehiyo, buti na lamang at mayroon pa ring mga bansa na mas nagbibigay ng halaga sa galing, husay, at talento ng maraming Pilipino. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami sa atin ang pinipili na lamang na mangibang-bansa para sa pamilya. Ito ang ilan sa mga bansang nagbibigay ng malaking sweldo sa mga kababayan nating OFW.

1. SINGAPORE




Isa ang Singapore sa mga bansang nagbibigay ng maraming oportunidad, kaligtasan at mataas na sahod sa mga manggagawang Pinoy. Aakalain mo bang ang maaari mong swelduhin sa isang taon ay maaaring umabot ng $162.2k o 8,712,654,10 pesos!

2. NEW ZEALAND



Patok na patok naman sa bansang ito ang mga health care nurses at medical assistants na sumusweldo ng 172, 500 pesos! Kung magandang pamumuhay, akomodasyon, at madaling pakikihalubilo sa mga lokal tiyak na ang bansang ito ang para sa’yo!

3. CANADA



Kilala naman ang bansang ito sa pagiging palakaibigan ng mga tao. Isa rin ito sa mga bansang tumatanggap ng permanent residence para sa mga dayuhang manggagawa na mayroon nang isang buong tao ng full-time na pagtatrabaho. Ang mga nurses at medical assistants ay may sweldong umaabot ng 172,500 pesos.

4. AUSTRALIA




Ang bansang ito ay may malakas na industriya lalo na sa pagseserbisyo dahil pangunahing industriya dito ay pagmimina at agrikultura. Tiyak din naman na matutuwa ang mga Pilipino na magtrababo dito dahil sa klima nito, sa maraming pasyalan, at sa magagandang tanawin. 6,757,409.90 ang taunang kita dito.

5. SAUDI ARABIA


Isa naman ito sa mga bansang pinatutunguhan ng atinf mga kababayan dahil sa “general employment package” dito. Pinakamataas ang sweldo ng mga manggagawa sa public relations o communication sa halagang 138, 000 pesos.

6. UNITED ARAB EMIRATES




Ilan lamang sa mga in-demand na trabaho sa Dubai ay barista, customer representative, domestic helper, IT staff, call center agents. 253, 826 ang maaaring sahurin ng mga healthcare professionals tulad ng mga doktor at diagnosis.

7. QATAR


Noong 2015, ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA ay nakapagtala ng 117,000 labor demand at mayroong 342,442 na manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa bansang ito ngayon. In-demand ang caregivers, domestic helpers, CAD operators, at pinakamataas naman ang sweldo ng mga aviation o aircraft maintenance na nagkakahalaga ng 209,700 pesos.

8. HONG KONG


Ang bansang Hongkong ang isa sa pinakadinarayo ng mga OFW lalo na yung mga nagnanais ng progreso sa kanilang larangan. Maliban sa 16,000 na Pilipinong domestic helpers marami ding bakanteng trabaho para sa mga engineer, driver, at mga chef.

Napakasarap isipin na maraming mga bansa at iba’t-ibang lahi na patuloy at patuloy na naniniwala at nagagandahan sa trabaho ng mga Pilipino. Tunay na hindi maipagkakailang kapag Pilipino, iba talaga! Kung kaya naman saludo kami sa mga manggagawang Pilipino sa buong mundo!




error: Content is protected !!