Silipin ang tahanan ni Kris Bernal sa Amerika na mula pa sa kanyang pagpapagal sa kanyang trabaho!



“Hard work pays off!”, ayon sa 29-taong gulang na Kapuso actress. Ito ay mula sa kanyang post sa kanyang social media account patungkol sa napundar niyang bahay sa West Covina, California, USA. Tunay ngang pamilya ang isa sa pinakamatibay na pundasyon ng isang Pilipino lalo na sa pag-abot niya ng kanyang mga pangarap.



Pamilya rin naman ang dahilan ng pagsusumikap at pagtitiyaga ng isang indibidwal na maging mas matagumpay pa sa kanyang buhay. Ito ang isa sa mga kaligayahan ni Kris Bernal, ang kanyang pamilya.


Lubos na nagagalak ang aktres dahil sa nakapagpundar na siya ng kanyang tahanan sa Estados Unidos. Abril 2018 ng ito ay kanyang maisakatuparan. Ayon pa sa aktres sa isa niyang mga panayam sa isang sikat na magazine, bumili at nagpatayo na sila ng tahanan sa Amerika upang mas maging komportable na ang kanyang kapatid at hindi na muling magkasakit at para na rin mas maging maayos ang pamumuhay nito sa Amerika bilang isang nurse.


At dahil sa paminsan-minsan ay lumalabas rin sila ng bansa mas nagustuhan na rin nila ang pagkakaroon ng tahanan dito na siyang magsisilbing tahanan nila kapag ang buong pamilya ay mangingibang-bansa o kaya naman ay tutungo ng Estados Unidos.



Isang napakalaking inpirasyon nito at napakagandang aral hindi lamang sa mga tulad niyang artista ngunit maging sa isang ordinaryong mamamayan na mas magsumikap pa sa buhay, dahil kung gusto may paraan at kung ayaw naman tiyak na maraming magiging dahilan.

Tamang pagtitipid lamang at paghawak sa inyong mga pera ang kailangan. Mas mainam rin na matutong magpigil sa sarili na huwag basta basta bumili o gumastos sa mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga o importante.



Image source: Pep, Instagram




error: Content is protected !!