Anak ni Ina Raymundo usap-usapan ngayon sa social media dahil sa mala-artistang itsura nito!

Sa industriya ng show business, ang pagkakaroon ng magandang mukha ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng isang personalidad upang siya ay magtagal sa industriya. Maraming magaganda at mga gwapong mukha sa industriya ng show business at isa na marahil dito si Ina Raymundo.

Siya ay kilala rin sa tunay niyang pangalan na Rina Marie Padilla Raymundo. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi maipagkakaila na isa pa rin siya sa mga artistang may magandang hubog ng katawan, ayon din sa ibang ulat hilig niya ang pagsu-Zumba, marahil isa ito sa mga dahilan ng kanyang magandang pigura.

Kamakailan lamang ay naging laman ng social media ang kanyang 14 taong gulang na anak na lalaki na si Jakob Poturnak. Ito ay nang nag-post siya ng larawan ng ina dahil sa mga hindi birong gawa nito patungkol sa kanyang pag-aaral. Tila maraming mga netizens ang napukaw at nabighani sa angking kagwapuhan ng kanyang anak.

Sa nasabing post ng 43-taong gulang na aktres, proud na proud siya sa kanyang anak dahil sa “moving up ceremony” nito. Mayroon nang 70, 000 likes ang nasabing post at karamihan sa 1,000 na mga komento dito ay patungkol sa pagiging mukhang “artistahin” ng binata. Si Jakob ang kaisa-isang anak na lalaki ni Ina Raymundo sa kanyang asawa na si Brian Poturnak. Mayroon pa silang apat na anak na babae.

Nagulat ka ba na si Ina Raymundo ay may lima na pa lang anak? Hindi ito mababanaag sa kanyang pangangatawan di ba? Si Jakob ay isa ring miyembro ng isang “international baseball organization” na lumalaban sa ibang mga bansa.

Kapansin-pansin ang pagmamahal ni Ina sa kanyang mga anak dahil sa kabila ng kanyang buhay artista mayroon pa rin siyang panahon sa kanyang pamilya at lalo na sa kanyang mga anak. Siya ay isa ring inspirasyon sa maraming mga magulang lalo na sa mga ina ng tahanan.



Reply

error: Content is protected !!