Ang Kapatid Ni Coco Martin Na Nagsisimula Nang Sundan Ang Kuya Niyang Matagumpay Na!



Hindi na bago sa mundo ng showbiz ang magkakamag-anak. Mas madali kasi makapasok ang mga may kakilala na sa showbiz kaysa sa sasabak ng hindi mo alam kung saan magsisimula. Kumbaga parang nagkakaroon sila ng “backer” sa panimula ng kanilang career. Pero naging kagawian na ito ng ibang artista dahil tunay na kapag kamag-anak ng artista malamang ay artistahin din ang datingan.


Katulad na lang ng kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo. Si Ronwaldo ay 20 taong gulang na sumasabak na sa mundo ng showbiz. Katulad ng kanyang Kuya Coco, sinimulan niya ang kanyang acting career sa pamamagitan ng indie films. Siya na ngayon ang tinaguriang “Prince Of Indie Films” na dating tawag sa kanyang kuya Coco. Ito ang naging payo sa kanya ng kanyang kuya Coco bilang panimula.




Ayon sa isang interview kay Ronwaldo sa PEP noong 2015:
“Dito daw po muna ako sa indie para marunong na ako bago lumabas sa TV.” Ilan sa mga napabilang niyang Indie Films na may mga kilalang direktor ay ang “Captive” ni Brillante Mendoza, “Tumbang Preso” ni Kip Oebanda, “Kasal” ni Joselito Altarejos, “Baklad” ni Topel Lee, “Laut” ni Luisito Ignacio, “Tuos” ni Derick Cabrido, “Kabisera” ni auteurs Arturo Boy San Agustin at Real Florido, at “Tahanang Munti” ni veteran Director Jun Posadas.


Tunay na may taglay na angking gwapong itsura si Ronwaldo katulad ng kanyang Kuya Coco. Bukod pa sa itsura ay may angking galing din siya sa pag-acting. Napatunayan ito sa pagkamit niya ng mga awards sa New York sa Harlem International Film Festival na nominado siya bilang best actor. Ilang awards niya pa ay ang 2016 Gawad Urian, 1st Eddy Awards, at Hanoi International Film Festival.



Sa isang taong taon na training niya ay handa na siyang sumabak sa tunay na mundo ng showbiz. Katunayan ay napabilang na siya sa teleserye ng kuya niya na FPJ’s Ang Probinsyano na isa siya sa miyembro ng terorista na Pulang Araw. Lahat ng ito ay dahil sa kanyang Kuya Coco. Sinabi ni Ronwaldo na ayaw niyang mapahiya sa kanyang Kuya Coco dahil lubos niyang hinahangaan ito.


Ayon kay Ronwaldo:
“Ayoko rin po kasing mapapahiya sa kuya ko, e. Idol ko rin siya. Sobra ang paghanga ko sa kuya ko, hinahangan ko ang buong siya kasi ang galing niya, e.”





error: Content is protected !!