Ang Matandang Lalaki Na Kasama Niya Palagi Ang Kanyang Tandang At Aso Sa Paglangoy Sa Ilog!



Isa sa mga nakaka-hiligan ng ilan ay ang pagaalaga ng manok. Ang iba kasi ay hilig nila ang sabong kaya naman halos sobrang mahalin na nila ang mga alagang manok. Pero naiiba naman ang kwento na ito.



Kung ang sa iba ang tandang ay pansabong ang tandang naman na ito ay pang-langoy! Oha! Saan ka pa? Ito ang nagiging usap-usapan ngayon sa social media na isang tandang kasama ang kanyang amo at isang aso ang nakikitang lumalangoy sa ilog ng Songhua.

Ang tandang na ito ay may pangalan na Golden Bo na pinangalan sa kanya ng kanyang amo na taga Harbin. Ang Amo, Aso, at ang Tandang ay madalas makita sa ilog na ito at lubos na kinaaliw ng mga nagpupunta ang nakikitang nakaka-bilib na paglangoy ng tandang.




Isang balita noong ika-26 ng Hunyo, ang matandang ito ay nakagawiang maligo sa ilog ng Songhua, ikinagulat ng matanda na biglang tumalon sa ilog ang kanyang manok. Agad niya itong hinuli at pinatong sa styro. Dahil sa araw-araw ay naliligo ang lalaki, natutunan na rin ng tandang lumangoy. Noong una ay hindi nakikinig ang tandang at ito ay lumalayo buti na lang at nauutusan niya ang kanyang aso upang tawagin ang tandang. Kinalaunan ay sumusunod na ang tandang sa kanyang amo.



Sa isang source nakuha, ang pangalan ng lalaking ito ay si Yu Demin na may edad ng 62. Ayon pa kay Yu Demin, noong Oktubre 2016 nakita niya ang tandang na ito na butas ang tiyan at halos lumalabas na ang laman loob. Agad niyang dinala ito sa bahay upang gamutin at tahiin ang butas. Ang nagaagaw buhay na tandang ay nakayanan ang nangyari at masigla na ngayon.

Ayon kay Yu Demin:
“Golden Bo came to my house, it never left my side and Golden Bo quickly became friends with my pet dog”.



Dahil sa pagligtas at pagturo ni Yu Demin kay Golden Bo, naging sikat ngayon sila sa Social Media. Minsan pa nga ay pag napansin ng Tandang na maraming nanunuod, lalo pa itong nagpapakitang gilas.




error: Content is protected !!