Isang Lalaki Ang Nakatagpo Ng Mga Berries Na Inayos Maige, Ikinagulat Niya Kung Sino Ang May-Ari Ng Mga Ito!.



Isang Lalaki ang naglakad sa kakahuyan na may napansin siyang mga berries na maayos na nakalapag sa sahig. Napansin din niyang may maliit na shed, na binuo ng pira-pirasong mga tangkay at sanga upang magkaroon ng lilim ang mga kinumpuning mga berries. Lubos na kinataka ng lalaking ito kung sino ang nagmamay-ari ng mga berries kaya inantay niya kung sino ang may ari nito.


Makalipas ng ilang oras ay dumating ang may ari ng mga berries at lubos itong kinagulat ng lalaki. Ang may ari pala nito ay isang maliit na ibon. Ang ibon na ito pala ang gumawa ng shed para mailagay ang mga berries na nakuha niya. Nang madiskubre niya ang ibon pala na ito ay isang Brown Gardener.




May sampung buwan palang ginagawa ng isang Brown Gardener ang bahay na ginawa niya para sa mga berries. Ginagandahan nila ang pag gawa ng maliit na shed at kumokolekta ng makakain. Ginagawa ng mga Brown Gardener ito upang makahanap ng kanilang mapapangasawa. Kumbaga nagpapa-kitang gilas sila sa kanilang liligawan at magiging asawa.


Iyong shed na ginawa ay hindi nila magiging tirahan. Karaniwan ay ginagawa ito ng mga lalaking mga Brown Gardener upang makapang akit ng mga babaeng Brown Gardener. Tanging mga Brown Gardener lang ang may ganitong ugali na katulad ng mga tao. Nakakabilib lang isipin na kaya ng isang ibon gawin ito. Ang mga brown gardener ay kayang iayos ang mga berries ng magkakatulad ang kulay.



Kapag sa tingin ng lalaking brown gardener na maayos ang naging preparasyon. Hahanap na siya ng kanyang magugustuhan. Kapag nakita na niya ang kanyang nagustuhan, magpapakitang gilas siya sa pamamagitan ng kanyang pakpak at huhuni na parang kumakanta.


Karaniwang makikita ang mga ibon na ito sa Australia at New Guinea kaya kung mapadpad ka sa mga kakahuyan na ito at makita mo ang katulad na ito. Huwag mo itong kunin dahil pinaghirapan itong ayusin ng isang Brown Gardener.




error: Content is protected !!