Kilalanin ang guwapong anak ni Cherie Gil na si Raphael Rogoff



Isang magaling at beteranang aktres si Cherie Gil. Madalas siyang gumaganap sa mga telebisyon at pelikula bilang isang mahusay na kontrabida. Ang kanyang tunay na pangalan ay Evangelibe Cheryl Rose Eigenman at siya anak ng mga beterano rin sa industriya na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.



Mayroon siyang dalawa pang mga kapatid, sina Michael de Mesa at ang namayapang Mark Gil na katulad niya ay mahuhusay at magagaling rin sa kanilang mga larangan. Bukod pa rito, siya rin ay ikinasal sa isang international Israeli violinist at conductor na si Roni Rogoff at biyayaan sila ng dalawang mga anak na sina Bianca at Raphael. Ang kanya namang panganay na si Jay Eigenmann ay anak niya sa beteranong aktor na si Leo Martinez.


Samantalang si Roni naman ay mayroon ding anak na babae sa kanyang dating asawa na si Ping Valencia na nagngangalang Renee. Bagamat sampung taon nang hiwalay sina Cherie at Roni nanatili pa rin silang malapit sa isa’t-isa. Ang 19-taong gulang na anak ni Cherie Gil ay kasalukuyang gumagawa ng ingay sa social media.


Isang patunay na nasa lahi nila ang pagiging maganda at guwapo, walang duda na namana niya ang mga ito sa kanyang ina na si Cherie Gil. Sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Maxine Eigenmann at Andy Eigenmann ang kanyang mga pinsa sa kanyang namayapang tiyuhin na si Mark Gil samantalang pinsan naman niya sina Ryan, Geoff, at AJ Eigenmann sa tiyuhin niyang si Michael de Mesa at asawa nitong si Gina Alajar.



Ayon pa kay Cherie Gil noong siya ay nakapanayam sa Tonight With Boy Abunda, “They’re the ones who have really proven to me what evolution is all about and becoming better than the past generation.” Sa Israel lumaki sina Raphael at kapatid nitong si Bianca kasama ang kanilang ama na si Roni.

Kasalukuyan silang nakabase ngayon sa New, York. Sa ngayon ay nag-aaral ng kolehiyo si Raphael at isa itong “sophomore” sa New York University na nag-aaral ng “Global Liberal Studies”.