8 Mga Delikado at Nakakatakot na Kalsada Sa Mundo



Kapag may mga balak kang puntahang malayong lugar, madalas ay iniisip natin ang ligtas na biyahe. Karaniwan ay ipinagtatanong natin ang mga alternatibo o ligtas na daan upang maging kampante sa biyahe. Iwas na rin sa mga mababangin at matatarik na lugar.

Pero paano kapag wala ka nang magagawa dahil tanging iyong kinatatakutang kalsada lamang ang tanging daan papunta sa lugar na iyong gustong puntahan. Tutuloy ka pa rin ba?



Ito ang ilan sa mga Kalsadang Delikado at mapanganib:

1. Skardu Road Pass Road





Ang Skardu Road Pass Road ay matatagpuan sa Gilgit, Baltistan, Pakistan. Ang daan ay may haba na 167.372m at may taas na 1,149m.



2. North Yungas Road



Ang North Yungas Road ay daan mula La Paz papuntang Coroico, Bolivia. Noong 2006, tumatayang 200 hanggang 300 ang mga namatay na turista sa kalsadang ito. Delikado kasing bumiyahe dito ng umuulan dahil wala kang makikita sa daan at gumagawa ng mist na nakakasagabal sa pagtutok sa daan.



3. St. Gotthard Pass




Ang Gotthard Pass o St. Gotthard Pass ay isang bundok na tumatawid sa Alps at malalakbay ang Saint-Gotthard Massif at nagduduktong sa northern at southern Switzerland sa layo ng 2,106 m (6,909 ft.)

4. The road along Lake Thun and winding around the rocky mountains of Switzerland.


Ito ang ruta sa gawi ng Lake Thun na pumapalibot sa kabundukan ng Switzerland. Upang makita ang magandang tanawin kailangan munang madaanan ang maraming likuan at mga tunnels.

5. Route between Ladkh and Kashmir Valley




Ito ang daan ng lugar na Ladakh papuntang Kashmir Valley na may taas na 3,528m above sea level. Kahit na ang daan sa Zoji La ay makitid, magkakasya pa rin naman ang dalawang sasakyan na magkasalubong.


6. Guoliang Tunnel


Ginawa ng nakatira doon ang Guoliang Tunnel noong 1970’s. Ang daang ito ay napapaloob sa bundok ng China upang mapigilan ang mga sasakyan na mahulog sa kabundukan. Kaso kailangan magingat dahil may kitid ito ng 3.9m lamang.

7. Taroko Gorge


Ang Taroko Gorge sa Taiwan ay mapanganib hindi lamang dahil sa istraktura nito, dahil din sa mga buhawi at ipo-ipo na madalas mangyari sa lugar.

8.Paso de Los Caracoles


Ang “Paso de Los Caracoles” na may ibig sabihin na “road snail” sa Espanyol. Dahil may itsurang Shell ang daan na may matatalim na mga likuan.




error: Content is protected !!