9 Na Magagandang Mga Celebrities Na Suot Ang Kanilang Magagandang Wedding Gowns



Pinangarap ng halos lahat ng babae ang makasal sa simbahan. Yung tipo bang naglalakad ka papuntang altar at pinapanuod ka ng mga tao habang naglalakad ka at suot mo ang iyong gown. Sa mga kinakasal, talagang pinaghahandaan nila ito lalong-lalo na sa babae.

Isa sa mga tinitignan sa kasal ay kasuotan o wedding gown ng bride. Bukod sa highlight sa kanyang prosesyon papuntang altar, karaniwan kasi kapansin-pansin lagi ang magarang kasuotan nila. Siyempre siya dapat ang dapat magningning sa okasyon na yun. Kaya sa preparasyon pa lang ay talaga namang pinagiisipang maige kung ano ang magiging wedding gown ng ikakasal na bride.



Ito ang ilan sa mga Celebrities na talaga namang naging usap-usapan ang naging Wedding Gowns na sinuot nila sa kanilang kasal.

Marian Rivera-Dantes



Ang Wedding Gown ni Marian Rivera ay gawa ng isang Pinoy na designer sa Dubai na si Michael Cinco. Nagkaka-halagang P2 Million pesos ang naturang bridal gown na yari sa iba-ibang Swarovski crystals.

Heart Evangelista-Escudero



Ang Bridal Gown naman ni Heart Evangelista-Escudero ay disenyo ni Ezrs Santos na isang ring Dubai-based Filipino designer. Gumugol ng 6 na buwan ang pag-gawa ng gown upang matapos. Mayroong 70,000 Swarovski crystals na may iba-ibang sukat. Mayroon din itong di-tanggsl na train na may mga crystals din.

Pauleen Luna-Sotto




Ang Wedding Gown naman ni Pauleen Luna-Sotto ay gawa ni Francis Libiran. Ayon sa designer, ang wedding gown na ito ay isang “obra”. Ang gown ay fully-beaded bodice at mayroong embroidered sleeves.

Solenn Heusaff-Bolzico


Ang suot naman ni Solenn Heusaff-Bolzico ay disenyo ng isang Israeli na si Lili Hod. Ang Wedding gown ay off-shoulder na may magandang sheer lace.

Isabella Daza-Semblat




Ang bridal gown naman ni Isabella Daza-Semblat ay disenyo ni Vera Wang. Ang Wedding Gown ay strapless na may lavender ribbon at may maraming lace sa hem.

Georgina Wilson-Burnand


Ang suot na Wedding Dress ni Georgina Wilson-Burnand ay regalo ng kanyan ninang na si Dra. Vicky Belo bilang regalo. Ang halaga ng wedding dress ay nagkakahalagang $16,000 o P774, 000. Ang kasuotan niyang ito ay nagmula sa Monique Lhuiller’s Fall 2015 na may pangalang “The Elizabeth”.

Kaye Abad-Castillo


Ang Wedding gown naman ni Kaye Abad-Castillo ay gawa rin ni Francis Libiran. Isang off-shoulder wedding gown ito na may emroidery at laser cutouts. Mayroon ding mga crystals at magagandang mga bato.

Toni Gonzaga-Soriano


Anf Wedding gown ni Toni Gonzaga-Soriano ay disenyo ulit ni Vera Wang. Isang mermaid gown na may beasa at crystal.

Cristine Reyes-Khatibi


Ang wedding gown ni Cristine Reyes-Khatibi ay kakaiba. Ang gown ay isang simple ivory midi dress. Naka suot din siya ng kuronang bulaklak at simpleng sandals.




error: Content is protected !!