Ating kilalanin ang nobya ni Vhong Navarro na writer din pala ng “Halik”!



Masarap magmahal at masarap din ang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo. Marami mang pagsubok ang isang relasyon, tunay ngang mas magiging matibay ito sa paglipas ng marami pang taon. Mapapatunayan rin naman na ang ilan sa mga matibay na pundasyon ng isang matatag na pagsasamahan ay pagmamahal at pagpapatawad.


Isang halimbawa na marahil rito ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro at ang kasintahan nitong si Tanya Winona Bautista. “Love conquers all” wika nga sa isang kasabihan dahil sa kabila ng mga kontrobersiya at pagsubok na kanilang pinagdaanan ay hindi pa rin natitibag ang kanilang samahan. Kamakailan lamang ay nagdiwang sila ng ika-sampu nilang anibersaryo bilang magkasintahan.




Sa kabila ng mga paghihirap na kanilang pinagdaanan at pagsubok sa buhay na kinaharap ni Vhong Navarro ay hindi niya iniwan at pinabayaan ang kanyang kasintahan.


Isa sa pinakamalaking dagok sa kanilanng relasyon ay ang naging kontrobersiya noon kay Vhong Navarro at sa isang babae na naging dahilan upang masaktan at mabugbog ang komedyante


Bagamat nagkaroon sila ng pagsubok patungkol sa pagiging tapat sa relasyon hindi pa rin ito naging dahilan upang maghiwalay sila. Bagkus ay pinatawad at mas lalong minahal pa ni Tanya si Vhong. Ito ay naging tulay upang mas magiging matatag ang kanilang pagmamahalan. Itinuturing ni Tanya na “male version” niya si Vhong at isa sa mga pinakamahalagang regalo sa kanya ng Diyos.


Kitang-kita naman sa social media ng dalawa ang kanilang mga “sweet memories” at mga larawan na punong-puno ng pagmamahalan hindi lamang nilang dalawa ngunit pati na rin ng mga anak ng aktor. Kasama din nila ang anak ng host na sina Isaiah at Fredriek.




Si Tanya Winona Bautista ay kilala rin bilang isang “scriptwriter” sa popular na palabas ngayon na “Halik”. Ang kanilang kwento ay talaga namang isang napakagandang inspirasyon sa maraming taong nagmamahalan. Ang tunay na pag-ibig ay marunong magpatawad at magmahal muli.




error: Content is protected !!