Halina’t silipin ang magarang tahanan ni Angelica Panganiban na mayroon ding sariling elevator.



Marami na tayong napanuod at nabasang mga balita o artikulo tungkol sa mga magagara at mga mamahaling bahay ng mga sikat na artista at mga kilalang personalidad. Pagbili pa lamang ng bahay at lupa ay talaga namang mapapatulala ka na sa presyo at halagang kalakip nito. Kasabay pa ng mga mamahaling kagamitan at iba’t-ibang mga mamahaling mga muwebles.



Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang video ni Kim Chiu na lubos na namangha ng malaman na mayroon pa lang sariling elevator ang tahanan ni Angelica Panganiban.

Kung karamihan ng mga magagara at malalaking mansyon ay mga nakakamanghang hagdanan, tiyak na mas mamangha kang malaman na ang isang bahay ay mayroong elevator sa loob na kadalasan lamang nakikita sa mga “mall” o sa mga “hotel” at sa iba pang mga establisyemento.




Ang bahay ng sikat na aktres at komedyanteng si Angelica Panganiban ay mala-hotel sa ganda at disenyo, maliwanag at makulay. Classy ay cozy namang mailalarawan ang kanyang living room. Hindi rin naman mawawala ang kanyang entertainment room na mayroong malaking flat screen TV.

Kumpleto rin naman sa kagamitan ang kanyang magandang kusina. Mamangha ka rin sa garahe at paradahan ng kanynang mga sasakyan.

Kilalang child star noon si Angelica na nagsimulang sumabak sa industriya ng show business noong 6 taong gulang pa lamang siya. Naging parte siya ng TV show na “Love Note”. Ang unang regular na palabas naman niya ay “Ang TV” ng ABS-CBN. Ang kauna-unahang pelikula niya ay mula sa direksyon ni Carlo J. Caparas na may pamagat na “Antipolo Massacre”. Isa sa mga pinakapopular niyang pagganap ay ang pagganap niya sa “Sarah: Ang Munting Prinsesa” na nagbigay sa aktres ng nominasyon sa FAMAS awards at PMPC star awards at Best Child Actress award. Taong 2004 naman ng sumabak siya sa mas “mature” na mga roles.

Isa rin siya sa bida ng pelikulang “Exes Baggage” na humakot ng P142 milyong piso sa loob lamang ng limang araw kasama ang kanyang dating kasintahan na si Carlo Aquino.




error: Content is protected !!