Kilalanin ang batang tinanghal bilang “Youtube’s Highest Paid Stars”



Hindi maipagkakailang malaki ang kinikita ng mga “YouTubers” mula sa kanilang mga videos. Ngunit ngayong 2018 ay nagulat ang marami matapos masungkit ng isang pitong taong gulang na batang lalaki ang titulo bilang “YouTube’s Highest Paid Star!”


Siya ay nagngangalang Ryan ng “Ryan Toysreview”. Nasa unang taon pa lamang siya ng kanyang pag-aaral at talaga namang hindi maipagkakaila ang hilig niya sa maraming laruan tulad ng Lego, tren, kotse na nagpapamangha sa nasa higit na 17 milyong followers niya. Isa naman sa pinaka-patok na video niya ay ang kanyang “review” sa isang “inflatable water slide” na kumpleto ng malalakikng itlog na laruan na umani ng higit sa 1.6 billion views.




Ayon rin sa Forbes karamihan sa mga taong kabilang sa top 10 highest paid stars ng YouTube ay mga vloggers at gamers ngunit katangi-tanging si Ryan ang naksungkit ng top spot! At tiyak na magugulat ka sa laki ng halagang kinita niya dahil sa hilig niya sa mmga laruan.

Ayon sa Forbes, sa loob lamang ng 365 na araw ay nakahakot na si Ryan ng $22 million dollars! Talaga namang napakalaking halaga nito.




Kamakailan lamang ay naglabas rin si Ryan ng sarili niyang toy and apparel line sa Walmart na pinangalanan niyang “Ryan’s World” na tunay ngang makadaragdag na naman ng limpak limpak na halaga ng kanyang kinita. At dahil siya ay wala pa sa tamang edad malaking bahagi ng kanyang kinikita ay napupunta sa kanyang “account” na maaari lamang niyang magalaw kapag siya ay nasa tamang edad na.



Noong tinanong si Ryan kung bakit siya sikat ang tanging nasabi lamang niya ay dahil sa siya ay nakakaaliw at nakakatuwa.

Tunay ngang nakakatuwang malaman na sa murang edad ay nakakapag-impok na siya ng sarili niyang salapi para sa kanyang kinabukasan na mula sa sarili niyang pagsisikap.




error: Content is protected !!