Magkasintahan ng 14 na taon, ikakasal na matapos ang matagal na paghihintay. Ibinahagi nila ang kanilang kwento sa social media



Siguro ay marami na sa atin ang nakaranas ng “first love”, “puppy love”, o “childhood crush” noong tayo ay mga bata pa. Marahil ay dahil sa guwapo o maganda ang ating mga kababata, kapitbahay, o kaklase kaya naman ay mayroon silang kakaibang ugali na talaga namang nakapukaw ng ating atensyon. Maaaring paghanga lamang ito sa iba ngunit ang paghangang ito ay simula ng mas malalim pang pagtitinginan.


Tulad na lamang ng magkasintahang ito na naging magkaklase pa nung “pre-school”, at naging “childhood crush” nila ang isa’t-isa. Sina Ameety Borromeo at Sam Dayao Aniciete ay nagkapalagayan ng loob nung sila ay nasa ika-anim na taon pa lamang ng kanilang elementarya.



Ngunit dahil sa sila ay mga bata pa lamang, mas minabuti na muna nilang magpaka-abala sa kanilang pag-aaral at sa iba pang bagay kaysa pumasok sa isang relasyon. Dagdag pa ni Ameety ay hindi naman daw nagtatanong o nanliligaw si Sam sa kanya. Ngunit pansin na ng marami ang kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa.



Taong 2004 ng sila ay maging ganap na magkasintahan na. Kalakip ng kanilang relasyon ay ang maraming pagsubok na kanilang kinaharap. Sa paglipas ng maraming taon ng kanilang samahan dumating ang panahon na naiinip na si Ameety kay Sam dahil sa sampung taon nilang pagiging magkasintahan ay hindi pa rin ito nagyaya ng kasal na talaga namang ikinadismaya at ikinalungkot ni Ameety.


Bagamat natagalan, noong ika-14 na anibersaryo nila ay niyaya na siya nitong magpakasal sa wakas. Ang matagal na niyang pinapangarap ay maisakakatuparan na. Muli ay walang mapaglagyan ng kaligayan si Ameety na sa wakas, makalipas ang 14 na taon ay magiging totoo na rin ang kanyang pangarap na maging Mrs. Aniciete


“From a journal entry of a 12-year old girl on her pink diary in 2001 to writing her love story 17 years after to share how her first and true love has surpassed the relationship itches, the arguments and the frustrations and how such a love would stand as a living testimony to the “Love is patient” verse in the Bible. My heart is full and I am writing with happy tears.



I am beyond happy to say that everything is now starting to fall in the right places.”




error: Content is protected !!