10 Benepisyo o Tulong Sa Kalusugan Ng Pag-kain ng Sayote! Ugaliing kumain ng sayote ng humaba pa ang buhay



Ang sayote ay katulad din ng upo, kalabasa, at pipino na mabuto na kadalasang sangkap sa mga kinakaing gulay. Nagsimula ito sa Mexico at Amerika, tinatawag din itong Chayote, na naglalaman ng maraming nutrisyon na kinakailangan ng katawan.

Sa mga hindi nakaka alam ng mga napapaloob na nutrisyon dito, ito ang ilan sa mga makukuha sa pagkain ng sayote: magnesium, dietary fiber, phosphorus, potassium, vitamin C at choline. Napaka bisa din ng gulay na ito sa mga nagbabawas ng timbang dahil wala itong cholesterol at dahil sa iba pang mga katangian ay nakaka bawas ng timbang.



Ito ang ilan sa mga benepisyong makukuha sa pagkain ng sayote:

1. Helps Lose Weight



Ang sayote ay sobrang baba lamang ng amount ng calories (16cal/100grams). Ito rin ay walang cholesterol ay walang saturated fats. Bukod pa dito, ang sayote ay maraming dietary fibers na nakakatulong upang mabawasan ang taba.

2. Helps Prevent Birth Infant Defects



Sa mga buntis, mabisa itong gulay upang maging malusog ang batang nasa loob ng inyong sinapupunan. Ito ay dahil sa Vitamin B Complex at folate. Ang folate ang nagiging dahilan upang mapigilan ang pwedeng maging depekto ng baby

3. Lowers Cholesterol Levels




Walang saturated fats ang Sayote, dahil dito ang pagkain ng sayote ay mabisa para sa mga matataas ang cholesterol sa katawan.

4. Great Source of Stamina


Dahil pinagmumulan ng Potassium ang sayote, mahusay itong pampalakas ng stamina. Ang Potassium kasi ay isang pinagmumulan ng electrolyte na mahalaga sa stamina ng katawan.

5. Prevents Premature Aging




Kung ayaw niyong magmukhang matanda ng maaga, ugaliing kumain ng sayote. Ang sayote kasi ay mayroong mataas na amount ng Flavonoid na nakakatulong labanan ang mga masasamang elemento na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng itsurang matanda.

6. Treats Kidney Stones


Ayon sa isang pagaaral sa University of North Florida, ang sayote o kaya ang mas mabisa ay ang dahon ng sayote ay mainam na pang gamot sa kidney stones. Mabisa rin ang dahon ng sayote upang mapababa ang high blood pressure.

7. Prevents Constipation


Dahil mayroong Fibers ang sayote, kapag kinain mo ito, tutulungan ng fibers na nakuha para magkaroon ng maayos na digestion sa katawan. Napipigilan nito ang pagkakaroon ng constipation.

8. Lowers High Blood Pressure


Ayon sa pag-aaral sa Purdue University, ang sayote ay nakakapag-pababa ng high blood pressure. Sa pagaaral na ito, ang sayote ay ginagawang tea at iniinom.

9. Prevents Heart Di$ea$e


Dahil naglalaman ang sayote ng napakaraming nutrisyon, katulad na lang ng Vitamin C, mainam ito para sa pang-lahatang kalusugan ng katawan. Ang vitamin C ay isang antioxidant na pumipigil sa pagkakaroon ng karamdaman isa na dito ang Heart Di$ea$e.

10. Prevents Anemia


Kung kulang ka sa Red Blood Cells, makakatulong ang pagkain ng sayote. Kung may anemia, ibig sabihin ay kulang din sa iron at Vitamin B2 ang katawan. Ang sayote ay naglalaman ng Iron at Vitamin B2 upang mapunan at mapigilan ang pagkakaroon ng anemia.




error: Content is protected !!