Ito ay patunay nang wagas na pag-ibig nang isang babae sa kanyang kasintahan hanggang sa mga huling sandali nito!



Wagas na pag-ibig, kung sa iilan ito ay sadyang malalim na salita lamang na tila imposible namang maging totoo lalo na sa mga taong minsan nang nasaktan at naloko. Bagamat may mga tao na hindi naniniwala sa mga salitang ito, marami pa rin naman ang nagtitiwala sa kahulugan ng mga salitang ito.



Kadalasan kung tayo ay nakararanas ng hirap o mga pagsubok sa ating relasyon, pagsuko o pagbitaw ang kalimitang nagiging sagot. Ngunit mayroon din namang patuloy na kumakapit, nananatili at nagmamahal. Marahil ang kwento ng magkasintahang ito ay magbabalik ng paniniwala natin tungkol sa tunay at wagas na pag-ibig.


Si Pooh Chokchai Kaew, 21 taong gulang mula sa Songkhla Province sa Thailand ay mayroong masaya at maligayang buhay kasama ng kanyang kasintahan na si Attitaya Chumkeaw bago matuklasag mayroon siyang “terminal eye condition”.



Mula sa isang makisig at gwapong lalaki, napakalaki ng pinagbago ng kanyang hitsura. Unti-unti nang lumuwa ang kanyang mga mata at tila hindi na makilala ang kanyang mukha. Kahit pa ganito ang kanyang kinahinatnan, hindi pa rin siya iniwanan at pinabayaan ng kanyang minamahal.


Sa paglipas ng mga arae ay patuloy ang paglala ng kalagayan ng binata, kahit pa hindi pa sila ikinakasal at may pagkakataon pang tumalikod sa kanya ang nobya ay patuloy pa ring kumapit at minahal ng dalaga ang kanyang nobyo.


Noong ikatlong anibersaryo nila ay nag-post ang dalaga ng larawan nila ng nobyo sa kanyang social media account kasama ng mga salitang “Third anniversary, love the same.” Bagamat sumuko na ang mga doktor sa binata ay patuloy pa rin siyang inalagaan at sinubaybayan ng kanyang nobya.



Hanggang dumating ang araw na kanyang kinatatakutan. Pumanaw man ang kanyang minamahal ay patuloy pa rin siyang nanatiling tapat dito. Nangyari man ang masaklap na trahedyang ito sa kanilang dalawa, mahalagang naipakita niya ang tunay na pagmamahal sa kanyang nobyo.




error: Content is protected !!