Nakakamangha ang ginawa ng flight attendant na ito sa isang sanggol na umiiyak dahil sa gutom habang nasa eroplano



Isang napakalaking pagpapala ang maging isang magulang lalo na ang pagiging isang ina. Magmula ng unang pagtibok ng puso ng isang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina ay simula rin ng pag-ibig na patuloy at patuloy na yumayabong sa paglipas ng panahon. Siyam na buwan na pagdadalang-tao, maraming pagbabago pisikal man o emosyonal, mga bagay na dating ginagawa ngunit ngayon ay limitado na, ilan lamang yan sa mga bagay na naranasan at napagdaanan ng isang ina. Ngunit hindi dito nagtatapos ang pagiging isang ina, ito man ay isang pang habang buhay na responsibilidad may ilang mga pagsubok na talaga namang sadyang napakahirap sa isang ina, tulad na lamang ng “breast feeding” na isang malaking hamon sa karamihan ng mga ina.


Isa na marahil dito ang pangyayaring ito sa isang flight attendant na naging usap-usapan sa social media kung saan tinulungan niya ang isang ina upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang sanggol.




Napansin ng flight attendant na si Patrisha Organo na walang tigil sa pag-iyak ang isang sanggol na karga ng kanyang takot na takot na ina. Sa kanyang palagay ay nagugutom ang sanggol kung kaya naman kinausap niya ang ina nito na kung maaaring bigyan ng gatas ng sanggol ngunit laking gulat niya ng malaman niyang wala nang “formula milk” ang sanggol”.


Nagkaroon ng kirot sa puso ni Patrisha dahil siya ay isa ring ina. Dahil walang ibang mapagkukunan ng gatas at alam niyang may isang bagay siyang maaaring itulong, hindi na siya nag-atubili pang i-breast feed ang gutom na gutom na sanggol. Laking pasalamat naman ng ina ng sanggol sa kanyang ginawa. Lubos rin ang kanyang naging kagalakan ng Philippine airline flight attendant dahil sa nagawa niyang tulong sa sanggol.


Marami naman ang pumuri at namangha sa pagmamalasakit at sa kabutihan ng puso ni Patrisha. Tunay siyang may puso ng isang ina!





error: Content is protected !!