Kilalanin ang anak ni Onyok Velasco na pinagkakaguluhan ngayon sa social media!



Madalas tayong humahanga sa mga sikat na artista at personalidad. Syempre hindi rin naman tayo nagpapahuli sa mga balita patungkol sa kanilang buhay lalo na sa usaping pamilya. Kadalasan pa nga ay nagiging tagahanga rin tayo ng kanilang mga anak.


Kamakailan lamang ay naging maugong ang pangalan ng anak ng dating boksingero at komedyanteng si Onyok Velasco dahil sa magandang mukha nito na tila nahahawig din sa Kapamilya Teen Queen at katambal ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.




Siya ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Export Management sa De La Salle College of St. Benilde. Bukod sa kanyang pag-aaral si Ry Velasco ay isa ring tanyag na “YouTube personality” dahil sa mga vlogs o video blogs na ginagawa nito patungkol sa mga make-up tutorials o beauty products.


Mayroon siyang nasa higit na isang daang libong subscribers sa kanyang “YouTube Channel” na nagiging pagsasanay niya sa pangarap niyang maging isang “make-up artist”.


Mapapansin din na malapit siya sa kanyang ama na si Onyok sa mga larawan nito sa kanyang social media account. Dahil dati siyang mahusay na boksingero noon tinuruan din niya ang mga anak niya na depensahan at protektahan ang kanilang mga sarili sa panahon ng panganib.



Natampok na rin ang dalaga sa programa ng Magandang Buhay na pinangungunahan nina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal. Naging bisita dito ang kanyang ama at kasama siya nitong kinapanayam ng mga “host”. Pagmamalaki pa ng dalaga maliit man daw o malaki ang sinasalihan nilang kompetisyon ay walang tigil at walang kapantay ang suporta ng kanilang ama sa kanila. Napansin din sa programa ang pagkakahawig ng dalaga kay Kathryn Bernardo.


Tunay ngang nakakatuwang malaman na bagamat marami na ang mga kabataang napapalayo ang loob sa kanilang mga magulang ay mayroon pa ding iilan na talaga namang lumaking mapagmahal at may respeto sa kanilang mga magulang mapa-artista man o normal lamang na indibidwal.






error: Content is protected !!