Categories: Viral

Lalaking naninirahan sa kweba, napa-ibig ang isang turista at dinala niya ito sa kanyang lungga!

Pag-ibig sa unang pagkikita kung ilarawan ng nakararami. Maniniwala ka bang ang pag-ibig ay agad mong mararamdaman kapag nakita mo sa kauna-unahang pagkakataon ang taong magpapatibok ng iyong puso?


Marahil marami ang nagulat nang ang isang “caveman” o isang lalaking naninirahan sa isang lungga ay nakapagpa-ibig sa isang magandang turista sa una nilang pagkikita. Siya ay isang 48 taong gulang na Thai na nagngangalang Jatuphum Losiri na kilala rin sa tawag na “The Cave Man”.

Ayon sa post ng caveman sa kanyang social media account, pauwi siya noon sa kanyang lungga sa tabi ng dagat at habang nakasakay siya sa kanyang motorsiklo ay nakapukaw sa kanyang atensyon ang mala-anghel na mukha ng isang turistang babae.

Binalikan niya ito at hinintuan sabay sabing naabala niya ang pagmamadali nitong umuwi sa kanyang lungga dahil bukod sa kagandahang angkin nito ay nais niya ring makumpirma kung maganda rin ang kanyang kalooban.


Bagamat mayroon siyang mga larawan kasama ang dalaga sa kanyang lungga inamin niya na hindi niya ito hinalikan. Kung sa ibang netizens nakakapangilabot ang paraan niya ng panliligaw, sa iba naman ito ay romantiko at nakakakilig!


Ngunit nang siya ay nag-post ng hubad na larawan ng isang babae sa kanyang lungga marami itong nakamit na mga negatibong komento at talaga namang hindi nagustuhan ng maraming netizens. Tinanggal niya sa kanyang post ang nasabing larawan at ipinaalam sa nakararami na kung ayaw nila ng mga larawang nakikita nila sa account nito ay huwag na nila siyang i-“follow”. Pinabulaanan din niya ang mga komentong ang “Russian tourist” daw ang babaeng nasa larawan na walang saplot, dahil ito raw ay isa lang din sa mga “lovers” niya.


Sumikat at nakilala si Ginoong Losiri dahil sa kakaiba nitong pamumuhay sa Koh Phangan na kilala rin sa mga full-moon party. Tunay ngang hindi mo dapat husgahan ang isang tao dahil lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago