Magandang Boses Ng Isang Bulag, Sumabak Sa Awitin Kasama Sila Regine, Yeng, Kyla, Angeline, at KZ



Likas sa pagiging isang Pilipino ang pagiging talentado. Marami ng napatunayan ang lahing Pinoy sa ibang bansa. Kaya naman lubos natin itong ipinagmamalaki. Pero lingid sa ating kaalaman ay may mga talento ang iba nating kababayan na hindi nadidiskubre.



Karaniwan sa mga ito ay may kapansanan. Ang pagkakaroon ng kapansan ay tunay napakahirap. Tila ba parang nilalayo ka nito sa tunay na mundo. Pero nasa tao ang pagtanggap ng ganitong kalagayan.


Isang nagva-viral ngayon sa social media ang isang bulag na kumanta sa ASAP kasama ang limang kilalang mangaawit. Siya ay si Elsie Balawing na nakipag-sabayan sa kantahan kasama sila KZ Tandingan, Angeline Quinto, Kyla, Yeng Constantino, at Regine Velasquez–Alcasid sa isang napakagaling na performance sa ASAP – “ASAP Natin ‘To”. Ito ay naganap noong Disyembre 9, 2018, Linggo.


Tunay na hinangaan ng maraming manunuod ang naging performance ni Elsie lalong lalo na ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez-Alcasid. Nakilala si Elsie sa mga naging viral videos niya sa youtube. Ang mga kanta sa videos ay “Listen” ni Beyonce, “Always You” ni Charice Pempengco, “I Will Always Love You” ni Whitney Houston at marami pa. At tunay na mga kantang napili niya ay hindi basta-basta. Kinakailangan ng matinding ensayo ang ilan dito upang maabot ang mga matataas na nota.



Ayon sa ina ni Elsie, nasa lahi na nila ang kapansanan na ito sa katunayan nga ay ang kapatid niya rin ay bulag din. Pero kahit bulag si Elsie, hindi naging hadlang ito upang maipamalas niya ang kanyang talento. Ito ang ginamit ni Elsie na lakas upang gumaling kumanta.

Dahil sa kagalingan niya sa pagkanta na sumikat sa youtube at social media, naging daan ito upang madiskubre siya at makasama sa performance sa ASAP. Tunay kang isang ihemplo sa mga may kapansanan na huwag tumigil mangarap. Lahat ay tayo ay may biyaya, ang kailangan lamang ay ilabas natin ito.




error: Content is protected !!