Nakaka-touch! Guro Na hindi naka-sweldo ng Dalawang Buwan, Binigyan ng mga Estudyante ng Inipon nilang Pera upang Makatulong Sa Guro



Mga Estudyanteng Nagipon Ng Pera Upang Matulungan Ang Kanilang Titser na Hindi Pa Nakaka-Sweldo ng Dalawang Buwan. Tunay na mahirap ang propesyon at trabaho na pagiging guro. Bukod kasi sa pagtuturo sa iskwelahan, sa kanilang paguwi sa bahay ay gumagawa pa sila ng mga lesson plan o kaya naman ay gumagawa ng grades.



Marami pang mga bagay ang ginagawa nila at sinasakripisyo upang matulungan ang kanilang mga estudyante. Ang Mga Guro ay tinuturing ng Pangalawang magulang, dahil halos ang buong araw ng mga estudyante napupunta sa patnubay ng kanilang mga guro.


Pero ano pa ba ang mas hihirap sa trabaho na hindi nakaka-sweldo? Tila bang ang hirap sa trabaho ay talagang mararamdaman. Siyempre, kaya tayo nagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan. Upang makakain at iba pang kailangan bayarin upang mabuhay.


Mayroon isang pangyayari na lumikha ng ingay ngayon sa social media. Isang guro sa Brazil na hindi sumuweldo ng dalawang buwan ay tinulungan ng kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng ambagan at paglikom ng pera para sa kanilang guro.



Siya ay si Bruno Rafael Paiva na isang substitute teacher. Ang kanyang pansamantalang pinalitan ay isang buntis na guro. Kaya naman naging mahirap sa kanya ang sumuweldo dahil hindi siya kasama sa listahan ng payroll ng iskwelahan. Dahil dalawang buwan na siyang hindi nakaka-sweldo, siya ay nahihirapan na sa kanyang araw-araw na panustos.

Ayon pa kay Bruno, ginawa na niya ang lahat upang makuha ang kanyang sweldo. Ngunit lalo lamang pinapahirap ito ng admin ng iskwelahan. Nang nalaman ng kanyang mga estudyante ang nangyari sa kanilang guro, tinulungan nila ito sa pamamagitan ng paglikom ng pera upang matulungan ang kanilang guro. Ang buong klase ay nakaipon ng $359 upang itulong sa kanilang guro. Lubos itong ikina-galak ng kanilang guro. Sa sobrang emosyon na naramdaman ay napaiyak si Bruno sa natanggap niyang pagmamahal mula sa kanyang mga estudyante.



Tunay na maswerte ang guro na si Bruno sa kanyang mga estudyante. Pero sa tingin niyo bakit nagawa ng mga estudyante ang ganitong magandang tulong? Ito ay dahil mabait ang kanilang guro. Maaaring napamahal na ang kanyang mga estudyante sa kanilang guro. Hindi gagawin ng mga estudyante ang ganitong kabutihan kung hindi naging tunay na guro si Bruno. Kaya naman parehas na maswerte ang Guro at ang mga Estudyante niya.




error: Content is protected !!